
- Posibleng masuspinde ang ilang miyembro ng Quezon City Task Force Disiplina dahil sa mar
ahas nilang paghuli sa isang ECQ violator - Pina
gpapalo ng yantok at sapilitang binuhat ang fish vendor na walang face mask - PInagpapaliwanag ng Quezon City goverment ang mga task force members na sangkot sa insidente
Ipinahayag ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na inisyuhan nito ng show cause order ang mga miyembro ng Quezon City Task Force Disiplina upang pagpaliwanagin kung bakit nila sinaktan ang fish vendor na walang suot ng face mask at quarantine pass.

Ang order ay kaugnay ng insidente na na-videohan kung saan nakitang pinapalo ng rattan stick ng isang miyembro ng Task Force Disiplina ang fish vendor na sapilitang binuhat at isinakay sa kanilang sasakyan dahil umano sa paglabag sa patakaran ng enhanced community quarantine.
Sinabi ng pamahalaan ng Quezon City na hindi nito kukunsintihin ang anumang uri ng karahasan o paglabag sa karapatang pantao anuman ang kadahilanan, lalo na kung ginawa ito ng kanilang opisyal, empleyado o ng mga opisyal ng barangay sa lungsod.
Nagsimula na umanong gumawa ng imbestigasyon ang Quezon City Hall hinggil sa pangyayari at tiniyak nito na sinumang mapatutunayan na gumawa ng bagay na hindi naaayon sa batas ay pananagutin.
Kinilala ang fish vendor na si Michael Rubuia. Sabi niya, ayaw niyang sumama sa task force dahil wala naman siyang ginagawang mali.

Dinala at ipiniit si Rubuia sa Kamuning Police Station. Pinalaya rin siya kalaunan matapos iurong ang isinampang kasong resistance at disobedience to a person in authority laban sa kanya.
Samantala, dismayado si Task Force Disiplina head Rannie Ludovica sa pangyayari at inirekomenda niya na suspindehin ang mga sangkot sa insidente.