Reopening ng malls maaaring mag-trigger ng 2nd wave ng COVID-19 – Sec. Galvez

  • Carlito Galvez tutol sa reopening ng malls sa gitna ng banta ng COVID-19
  • Naunang iminungkahi ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion ang unti-unting pagbubukas ng mga shopping malls
  • Sabi ni Sec. Galvez, kapag binuksan ang lahat ng negosyo maaaring malagay sa alanganin ang kalusugan ng mamamayan

Tinanggihan ni Secretary Carlito Galvez, ang chief implementer ng national policy sa pagtugon sa coronavirus pandemic, ang mga suhestyon at panawagang buksan na ang mga shopping malls dahil patuloy pa rin umano ang banta ng COVID-19.

Imahe mula sa Philippine News

Posible umanong magkaroon ng 2nd wave ng COVID-19 crisis sa bansa kung papayagang agad na magbukas ang mga malls.

“Sa personal opinion ko, kapag binuksan agad natin ang mga mall posibleng magkaroon ng second wave ng COVID-19,” aniya.

Ang pahayag ni Sec. Galvez ay kasunod ng mungkahi ni Presidential Adviser on Entrepreneurship na si Joey Concepcion unti-unting buksan ang mga shopping malls, na bigyan ng prayoridad ang mga tenant stores na may mataas na consumer demand.

Aniya, kung bubuksan ang mga malls at tenant stores ng mga ito, kailangan pa ring sundin ang social distancing protocol.

“Should the malls and stores open, they must adhere to social distancing. All employees and mall-goers will not be allowed to enter malls without face masks or face shields,” wika ni Concepcion.

Imahe mula sa InterAksyon

Maging ang transportasyon ay dapat na rin umanong paganahin kahit limitado lang.

“This is to accommodate the essential workers traveling to and from their homes. They, too, must follow strict guidance,” sabi pa ni Concepcion.

Sabi niya, kailangang gumawa ng hakbang ang gobyerno upang muling pasiglahin ang ekonomiya.

“I think now is the time that we should really look and plan on how to gradually shift towards reviving the economy because in the end, social amelioration is not sustainable for the long term,” paliwanag niya.

Tutol si Sec. Galvez sa panukala. Aniya, “kapag binuksan natin ang lahat ng negosyo maaaring malagay sa alanganin ang kalusugan ng mamayan.”

Sabi pa ng kalihim, kung sakali mang ang Luzon-wide enhanced community quarantine ay gawin na lang na “selective quarantine,” dapat masanay na sa “new normal” ang mga tao sa lugar na inalis na sa ilalim ng quarantine.

Screenshot mula sa RTVM video

“New normal is social distancing, wearing of masks, protecting elders… and big congregations wala na muna ‘yan,” paliwanag ni Galvez.

Sumang-ayon naman si Concepcion sa ideyang “selective quarantine.”

Aniya, sa halip na i-lockdown ang mga siyudad, ang quarantine ay sa barangay level na lang dapat.

Loading…