Residente ng Gapan, Nueva Ecija, proud sa mayor nila na naghatid ng truck ng ulam para sa kanila at pera para sa seniors

  • Ipinagmalaki ng isang residente ng Gapan, Nueva Ecija ang relief goods mula sa kanilang Mayor na si Emeng Pascual
  • Maliban kasi sa isang sako ng bigas at manok, namigay pa ito ng frozen goods na truck na dumating sa kanilang lugar
  • Namigay din daw ng ayudang pera para sa mga senior citizens si Mayor Emeng at nakatakda pang mamigay ng karagdagang sako ng bigas

Kamakailan ay nag-trending sa social media ang mayor ng Gapan, Nueva Ecija na si Emeng Pascual dahil sa pamimigay nito ng isang sakong bigas at manok sa bawat bahay. Napa-‘sana all’ ang mga netizen lalo na ang mga kakaunti lang ang ayudang naibigay ng kanilang mga mayor.

Pero hindi pa natatapos ang serbisyo ni Mayor Emeng sa kanyang mga nasasakupan dahil matapos magbigay ng isang sakong bigas at manok para may maiulam, dumating naman sa bayan nila ang truck ng frozen goods para ipamahagi naman sa mga mamamayan.

Larawan mula sa Facebook post ni Leo Alfonso

Ipinagmalaki ng isang residente ng Gapan na si Leo Alfonso sa kanyang post ang kanilang Mayor na ginagalingan talaga ang pagbibigay ng ayuda sa kanila. Siyempre, kung mayroong kanin, hindi naman daw mawawala ang ulam para hindi na talaga lalabas ang mga residente para mamili.

Bukod naman sa relief goods, namamahagi rin ang lokal na pamahalaan ng Gapan ng pera bilang ayuda sa mga senior citizens. At dahil extended ang ECQ, may karagdagan pa raw na isang sakong bigas ang ipamimigay ng Mayor para sa mga residente.

“Grabe saan ka makakakita ng mayor na ganito, kakabigay lang ng isang sakong bigas tsaka manok na pang ulam tapos nagbigay naman ngayon ng frozen food tapos magpapamigay pa ng pera sa mga senior citizen tapos magpapamigay pa ulit ng isang sako na bigas sa 25 para may reserba daw ang mga taga-Gapan,” pahayag ni Leo sa kanyang post.

Dahil marami ang patuloy na nagagalingan kay Mayor Emeng, agad na nag-viral sa social media ang post ni Leo na mayroon nang 11,000 reactions at 7,000 shares habang isinusulat ang istoryang ito.

Larawan mula sa Facebook post ng Barangay San Nicolas

Feeling blessed naman ang mga taga-Gapan dahil sa masipag nilang Mayor. Sabi ng mga netizens na hindi taga-Gapan, kung lahat daw ay tulad ng alkalde ng bayan, ay masisigurong mapatutupad ang stay at home policy at mas maiiwasan ang paglaganap ng C0VID-19.

Natutuwa rin sila dahil ang pondo ng bayan ay nakikita nilang may pinatutunguhan at tila naibabalik ang buwis na ibinabayad ng mga taga-Gapan. Para naman sa mga Pilipino mula sa ibang lugar na hindi pa nakakatanggap ng ayuda, hanggang “sana all” na lang muna sila.

Loading…