Bistado! 2 residenteng tumangging magpalista sa SAP, pinaghahahanap pala ng awtoridad

Imahe mula sa Unsplash
  • Bistado ang dalawang residente ng Bacoor, Cavite na matagal na palang pinaghahanap ng batas
  • Naghinala ang mga opisyal ng kanilang barangay dahil habang ang lahat ay ninanais na makatanggap ng ayuda sa ilalim ng social amelioration program ay todo tanggi naman ang dalawa na magpalista
  • Dahil dito ay idinulog nila sa mga awtoridad  ang dalawa at doon ay napag-alaman na pinaghahahanap pala ng batas ang mga ito dahil sa dalawang kasong mabigat

Nasakote ang dalawang lalaki sa Bacoor, Cavite na matagal na palang pinaghahahanap ng batas matapos na maghinala sa kanila ang mga opisyal ng barangay dahil pilit nilang tinatanggihan na magpalista sa social amelioration program (SAP).

Imahe mula sa YouTube | GMA News

Ayon sa ulat ng GMA News, nagtaka si Queen’s Row Central chairman Reynaldo Palabrica kung bakit habang ang ilan ay nagpipilit na mapabilang sa SAP ay tinatanggihan naman ito nina Ricky Enot at Armando Elka.

“Binibigyan na natin ng tulong so kami sa barangay nagtaka bakit ganiyan ‘yong attitude at pati mga kapitbahay, nagtataka rin. Kaya ‘tong mga bagay na ‘to pinaparating namin sa PNP,”  ani Palabrica sa isang panayam sa GMA.

Dahil dito ay nagsagawa ng beripikasyon ang Philippine National Police at dito na nila natuklasan ang dahilan — kapwa pala sila nagtatago sa batas at matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa mabibigat na kasalanan.

Si Enot ay wanted sa batas dahil sa pagkitil ng buhay habang si Elka naman ay pinaghahanap dahil sa attempted h0micide. Dinampot ang dalawa sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad ng Bacoor.

Imahe mula sa YouTube | GMA News

Ayon kay Bacoor chief P0lice Lieutenant Colonel Vicente Cabatingan, mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) ay nasa 18 na mga pinaghahahanap ng batas na ang kanilang nadampot .

Ayon kay Cabatingan, dalawa sa kanila ay regional level, pito ang city level at tsaka isang provincial level. Mabibigat umano ang mga kaso ng mga iyon.

Kudos sa mga opisyal ng barangay para sa kanilang good judgment call!

Source :

YouTube, GMA News

Loading…