Rider na patuloy na nagtatrabaho sa kabila ng kapansanan, hinangaan

Imahe mula sa Facebook | Ronald Ar-Ar Ouano
  • Inspirasyon ang dala ng isang delivery rider na patuloy na naghahanapbuhay kahit may kapansanan
  • Kuwento ng automotive journalist na si James Deakin, naputulan ng paa ang rider sa isang aksidente ngunit hindi raw siya napigil nito upang patuloy na magtrabaho
  • Sa katunayan, kabilang siya sa mga consistent na top performer sa kanilang kompanya

Hindi naging hadlang ang kapansanan upang patuloy na maghanapbuhay ang isang delivery rider lalo na ngayon at marami ang naapektuhan ng quarantine dahil sa COVID-19.

Imahe mula sa Facebook | James Deakin

Sa kaniyang Facebook post ay ibinahagi ng netizen na si Ronald Ar-Ar Ouano ang larawan ng lalaking putol ang paa at nakasaklay ngunit nagsisikap upang kumita sa marangal na paraan.

Shinare ng automotive journalist na si James Deakin ang larawan ng lalaki kalakip ang impormasyon kung bakit nawalan ito ng isang paa. “The rider you see here is from Cebu and lost his leg in an accident. But that hasn’t stopped him from working as a rider/partner for a delivery app,” kuwento niya.

Sa katunayan, sinabi rin ng kaniyang source na isa ang lalaki sa mga consistent na top performer sa kanilang kompanya.

Imahe mula sa Facebook | Ronald Ar-Ar Ouano

Paalala ni Deakin sa kaniyang followers “I know that we are all suffering in different ways and degrees, but just remember that when analyzing your w0rries and tr0ubles, the size of the problem you have is almost entirely defined by how you react to it.”

Maraming netizens din ang napahanga sa kasipagan ng hindi pinangalanang rider. Ani Jonas P. na-inspire siya sa kasipagan ng rider. “A heart of a true Filipino. Not giving up easily in the midst of any hardship,” komento niya.

“In this picture, I see a REAL HERO to his family and the people he serves. You deserve all the respect and honor,” sabi naman ni D. Nice.

Hiling naman ng ilan, sana raw ay mabiyayaan ng prosthetic leg ang rider upang mas maging madali para sa kaniyang ang pagtatrabaho.

 

Loading…