Ruby Rodriguez sa kapatid na si Dr. Sally Gatchalian: ‘I’m very proud of her’

Imahe mula sa Facebook | KMJS
  • Sa isang panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho ay inalala ng noon-time host na si Ruby Rodriguez ang kapatid na si Dr. Sally Gatchalian na pumanaw dahil sa COVID-19
  • Sabi ni Ruby, noon pa man ay hinihiling na ng doktora na siya na lang sana ang magkasakit at huwag na ang ibang miyembro ng kanilang pamilya
  • Paniwala niya, ito ang dahilan kung bakit kahit na-expose sila sa kapatid ay nag-negatibo sila sa COVID-19

Inalala ng Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez ang kaniyang kapatid na si Dr. Sally Gatchalian na pumanaw dahil sa COVID-19 at sinabing proud siya rito.

Imahe mula sa Instagram | Ruby Rodriguez

Aniya, kapag may nagkakasakit sa kanilang pamilya ay madalas nitong sinasabi na “Sana ako na lang. ‘Wag na siya. ‘Wag na sila.”

Palagay ni Ruby, hanggang sa huling mga sandali ng kapatid sa mundo ay ito ang hinihiling nito kaya naman kahit na-expose sila ay walang ibang nagkaroon ng virus sa pamilya.

“Parang bago siya pumanaw, hiniling niya siguro na ‘Ako na lang. Ibigay ninyo na sa akin lahat. ‘Wag ninyo nang idamay yung pamilya ko,'” sabi ni Ruby sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Dagdag niya pa, sobrang proud sa sa kapatid na isang pediatrician at may subspecialty na infectious disease.

Imahe mula sa Instagram | Ruby Rodriguez

“She also does research on vaccines. She is always out of the country doing lectures and attending conferences,” aniya. “I’m very proud of her.”

Sa kabila nito ay hindi naman daw nawawalan ng oras ang kapatid para sa kanilang bonding. “We shop together; eat together, watch movies together. We have our yearly trips na kaming dalawa lang talaga,” dagdag pa ni Ruby.

Kahit noong nasa ospital na ang kapatid ay madalas pa ring mag-usap ang dalawa. “When she was in the hospital, we talked every day. We talked until hindi na siya puwedeng kausapin kasi naka-intubate na,” aniya. “I want people to know how painful it was to lose her.”

 

Source :

Facebook

Loading…