Russian embassy nagpasalamat sa Pilipinas sa pagsagip sa Russian ship captain sa kabila ng banta ng COVID-19

  • Taus-pusong nagpasalamat ang Russian Embassy sa pagsagip ng Pilipinas sa Russian ship captain
  • Tinanggihan ng ibang bansa na papasukin sa kanila ang barko ng kapitan dahil sa banta ng COVID-19
  • Ang barko ay pinayagang dumaong sa Mati, Davao Oriental at isinugod sa isang pagamutan sa Metro Manila ang ship captain

Nagpahayag ng pasasalamat ang Russian Embassy sa pamahalaan ng Pilipinas dahil sa pagligtas nito sa Russian ship captain ng isang tanker sa gitna ng banta ng coronavirus disease.

Imahe mula sa Russian Embassy in the Philippines

Naging mabilis umano ang pagtugon ng Philippine government sa panawagan ng Russian embassy na humingi ng tulong upang malapatan ng lunas ang kapitan ng barkong Asphalt Transporter na kinilalang si Captain Alexander Solodyannikov na nagkaroon ng respiratory syndrome habang nasa laot ang barko.

“Thanks to the swift and decisive actions of the Philippine Government we managed to save a life.

Captain Alexander Solodyannikov of the tanker “Asphalt Transporter”, a Russian national, had an attack of an unknown respiratory syndrome,” post ng Russian Embassy in the Philippines sa social media account nito.

Wala umanong magawa ang ship doctor upang maibsan ang karamdaman ng kapitan. Hindi rin umano pinayagan ng ibang bansa na maibaba sa kanila ang ship captain upang madala sa mga pagamutan dahil sa banta ng COVID-19.

“The ship’s doctor could not help him and amid the COVID-19 scare no country would allow him to enter to be admitted to a hospital,” ayon pa sa embahada.

Imahe mula sa Russian Embassy in the Philippines

Sa kabila ng ipinatutupad na mga hakbang upang pigilan ang pagkalat ng virus sa bansa, ang Asphalt Transporter na patungo sana sa Australia ay pinahintulutang makadaong sa Mati, Davao Oriental. Mula doon ay inilipad ng helicopter patungo sa isang pagamutan sa Metro Manila si Captain Alexander Solodyannikov.

“The government of the Philippines responded to the embassy’s request very quickly despite the lockdown and the quarantine measures and allowed the captain to be taken off the ship to a medical center in Metro Manila,” lahad pa ng embassy.

Nasa ligtas na kalagayan na raw ngayon ang kapitan ng barko na napag-alamang may asthma.

“Things were not looking good for some time, but now Capt. Solodyannikov is safe. On behalf of his family and ourselves, we thank our dear friends from the Philippines for helping us save a life!” taos-pusong pasasalamat ng Russian Embassy.

Imahe mula sa Russian Embassy in the Philippines
Source :

Facebook, PNA

Loading…