Sa halip na ipang-beach ang ipon, pamilya sa Bulacan namahagi na lang ng relief goods sa mga kapitbahay

  • Hinangaan ang isang pamilya sa Bulacan dahil sa kanilang simple ngunit makabuluhang pagtulong sa kanilang mga kapitbahay na nangangailangan
  • Ayon sa ulat ng ABS-CBN, mas pinili umano ng pamilya Chan na ipambili na lang ng relief goods ang pera na naipon para sana sa kanilang family outing
  • Hinikayat naman nila ang ibang may kakayanan na tumulong rin sa mga taong nangangailangan ng pagkain sa araw-araw sa gitna ng enhanced community quarantine

Nagsilbing inspirasyon ang isang pamilya mula sa probinsiya ng Bulacan dahil sa kanilang kagustuhan na makatulong sa iba lalo na sa kanilang mga kapitbahay na nangangailangan.

Imahe mula sa Twitter video ni Zhander Cayabyab | ABS-CBN

Sa video na ibinahagi ng ABS-CBN reporter na si Zhander Cayabyab, makikita ang isang pamilya na nakasuot ng kanilang summer attire habang namimigay ng reflief goods sa kanilang mga kapitbahay.

Ayon dito, mas pinili umano ng pamilya Chan na ipambili na lang ng relief goods ang pera ng naipon para sana sa kanilang family outing. Dahil kanselado na rin ang kanilang summer trip, sinuot na lang kani-kanilang pang-OOTD sa araw ng pamimigay nila ng pagkain sa ibang tao.

“Siyempre, nakikita mo ang kapwa mo nagugutom, tutulungan mo. Tutulong kami hanggang kaya namin,” pahayag ni Grace Chan sa video.

Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN, bumili sina Grace at Christopher Chan ng bigas, delata, gulay, at iba pang pagkain mula sa pera na kanilang naipon para ipamahagi sa mga kapus-palad.

Aminado naman sila na minsan lang sila lumalabas para mamigay ng relief goods.

Ipinagluluto rin umano nila ang ilang mga kapitbahay na nangangailangan ngayong ipinatutupad ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Hinikayat naman ni Christopher ang ibang may kakayanan na tumulong rin lalo na’t maraming tao ang nangangailangan ng pagkain ngayong ipinaiiral pa rin ang “l0ckdown.”

“We encourage everyone lalo na ‘yung may kakayanan na tumulong, tumulong sa kapwa-Pilipino,” sabi nito sa video.

Source :

Twitter, ABS-CBN

Loading…