Saloobin ng netizen: “Why Igorots could survive crisis without complaining?”

  • Ibinahagi ng isang netizen ang nakita niyang Facebook post na nagtatampok sa mga Igorot
  • Sinasagot ng post ang tanong kung bakit nakakayanan ng mga Igorot ang mga krisis nang walang reklamo
  • Sumang–ayon naman dito ang mga netizens

Sa panahon ng krisis na nararanasan sa buong bansa, nakabibilib isiping may mga kababayan tayong nagpapaubaya na lamang para sa ilang mga taong higit na nangangailangan pagdating sa ayudang pinansiyal, o mga relief packs. Isa na riyan ang mga kapatid nating Igorot.

Pinag–uusapan ngayon ang isang Facebook post ng nagngangalang “Aga” na nagtatampok kung bakit nakakayanan ng mga Igorot ang pagharap sa krisis nang hindi nagrereklamo. Hindi niya ito orihinal na post, sapagkat hango ito mula sa artikulo ng manunulat na si “Felisa Daskeo” na nalathala noong Abril 7, 2020 sa “The Igorot Digest”.

Imahe mula sa Facebook account ni Aga Ambita/Public Domain Image

Dahil sa maganda ang mensahe nito, ibinahagi ng netizen sa kaniyang sariling Facebook account ang naturang artikulo, na nagustuhan din naman ng iba pang mga netizens. Ang pamagat ng naturang post ay “WHY IGOROTS COULD SURVIVE CRISIS WITHOUT COMPLAINING?”

Panimula ng post, “I’ve been thinking a lot about the Igorots in this time of pandemic and crisis whilst they are in a dire situation yet they are coping and they are surviving the situation with or without the help of the government.”

Mababasa sa naturang post ang pagbanggit kay Mayor Gabino Ganggangan ng Sadanga, Mountain Province, na tumangging tumanggap ng food packs mula sa Municipal Social Welfare and Development Office para sa kaniyang mga nasasakupan.

“In his statement and I quote, ‘Let the National Government feed those more needy urban poor in the cities and those less fortunate in other areas who can’t sustain themselves, while we sustain ourselves while we can.” pahayag ng naturang mayor.

Bagay na sinang–ayunan naman ng orihinal na nagbahagi ng post. Hindi raw ito akto ng pagmamayabang, kundi isang likas na ugali ng mga Igorot na magpaubaya para sa higit na nangangailangan. Sanay daw kasi ang mga Igorot na mamuhay nang payak, at hindi raw bahagi ng kanilang pamumuhay ang mga luho. Isinasabuhay raw nila ang kanilang katutubong paniniwala na “Inayan sa.”

Ayon sa pagpapaliwanag, “‘Inayan sa.’ It’s a short sentence full of sense and meaning. To the Igorots they say, ‘Inayan sa’, to all acts against human rights and moral values. They say, ‘Inayan sa’, to someone who violates laws. In short, it is what makes an Igorot the way he is.

Public Domain Image

Inisa–isa sa post ang mga likas na katangian ng mga Igorot. Sila raw ay may resiliency o matatag sa pagharap sa mga suliranin, hamon, o pagsubok nang may lakas ng loob at nagagawa pang ngumiti. Payak din ang kanilang mga pamumuhay at marunong makontento sa mga bagay na mayroon sila. Hindi rin uso sa kanila ang inggitan.

Hindi rin umano makasarili ang mga Igorot. Mas iniisip pa nila ang iba kaysa sa mga sarili nila. Mapagimpok din sila at hindi magastos upang may magamit sa panahon ng matinding pangangailangan. Iniisip nila ang kanilang kinabukasan. Kaya sinisipagan nila sa paghahanapbuhay sa pamamagitan ng pagtatanim kung tag–araw upang may maani sa panahon ng tag–ulan. Hindi nila kailangang mamalimos ng habag sa ibang tao.

Buhay na buhay rin umano sa kanila ang bayanihan. Hindi raw sila nangingiming tulungan ang kanilang kapwa kahit na walang ibigay na kabayaran. Marunong din silang sumunod at gumalang sa mga nakatataas at may katungkulan. Bagama’t walang “po” at “opo” at hindi tumatawag ng “Ma’am” at “Sir”, marunong daw silang sumunod sa mga patakaran at batas. Iginagalang at kinikilala rin nila ang mga nakatatanda.

Sa huli, ang mga Igorot daw ay praktikal. Kahit na mga milyonaryo sila, hindi nila kailangan itong ipakita sa lahat sa pamamagitan ng pagsusuot ng magagarang damit o maluluhong alahas.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“I am not wrong with how I have observed from our Igorot brothers and sisters. They are well–disciplined and very humble. Keep it up!” sabi ng isa.

Mungkahi ng isa, “Great people. We can emulate them!”

“Huwaran silang tribo/tao. Sana lahat ng mga Pinoy may angking ganyang katangian. But most Pinoy have greatly influenced by other cultures especially nowadays. Hope we can survive in this pandemic time. Only God is our refuge,” turan naman ng isa.

Si Felisa Daskeo ay isang manunulat na Igorot. Higit pa rito, siya ay isang guro. Ang kaniyang mga maiikling kuwento ay nalathala sa iba’t ibang mga magasin sa Pilipinas, noong mga panahong hindi pa uso ang paggamit ng internet. Sumusulat din siya sa ilang mga pahayagan.

Public Domain Image

Maging inspirasyon sana sa atin ang magagandang katangiang ito ng mga Igorot na maaari nating pamarisan!

Loading…