Sampaloc, isasailalim sa 48-hr shutdown

Imahe mula sa Facebook | Isko Moreno Domagoso
  • Sasailalim sa 48 oras na hard lockdown ang Sampaloc District sa Maynila mula sa Huwebes hanggang Sabado
  • Ito raw ay upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 dito
  • May 99 na kas0 na ng COVID-19 sa Sampaloc

Isasailalim sa 48 oras na shutdown ang Sampaloc District sa Maynila, kung saan may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Imahe mula sa Facebook | MPIO

Sa kaniyang Facebook live, sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na sisimulan nilang ipatupad ang “hard lockdown” simula 8 p.m. ng Huwebes (Abril 23, 2020) hanggang 8 p.m. ng Sabado (Abril 25, 2020).

Ito raw ay upang makapagsagawa ng disease surveillance, rapid risk assessment, at testing operati0ns doon.

“During the shutdown period, all residents of the said district shall be strictly confined to their residence and are prohibited from going out of their houses,” ani Domagoso.

Exempted naman dito ang mga residente ng distrito na nagtatrabaho bilang health worker; mga miyembro ng Philippine National P0lice, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, at iba pang government workers na nagsasagawa ng emergency frontliner services; service workers o mga nagtatrabaho sa pharmacy, drugstore, at iba pang healthcare service establishments; mga opisyal ng barangay; at mga media na accredited ng PCOO at IATF.

Nanawagan naman ang alkalde sa mga maaapektuhan ng hard lockdown na paghandaan na ito. “I hope malinaw sa ating lahat. Kaya inagahan namin ang announcement para magkaroon kayo ng mga preparasyon. I hope two days are enough for you to prepare for the shutdown,” aniya.

Ang mga mahuhuling lalabag sa hard lockdown ay dadalhin daw sa isang holding facility at mananatili roon hangga’t epektibo ang shutdown.

“Ayaw natin gawin ‘yon sapagkat hindi naman mahirap ang ipinakikiusap sa inyo,” aniya.

Dagdag din ni Domagoso, naiintindihan niyang gusto na nilang makabalik sa normal kaya hinihiling niya ang kanilang kooperasyon.

“Ayon sa masusing pag-aaral at sa maliit nating kaalaman, isa ito sa mga makakatulong kung saan mapapababa natin ang bilang ng contagion ng COVID. So, muli sa ating mga kabababayan, kailangan nating magkaisa. Tulung tulong tayo.”

Sa tala ng Manila Public Information Office 5 p.m. noong April 20, 99 sa 458 kaso ng COVID-19 sa lungsod at naitala sa Sampaloc.

 

 

Loading…