Sana last na: Mga mambabatas umaasang pinakahuli na ang May 15 ECQ extension

  • Umaasa ang mga mambabatas na pinakahuli na ang idineklarang ECQ extension hanggang May 15
  • Ito ay upang may matira pa umanong resources ang pamahalaan para muling pasiglahin ang ekonomiya
  • Naniniwala rin ang mga mambabatas na naging epektibo ang ipinatutupad na ECQ sa pagpapabagal ng pagkalat ng COVID-19

Umaasa ang mga mambabatas na sana ay magpatuloy ang mabagal na pagkalat ng coronavirus disease sa bansa at ang extension ng enhanced community quarantine (ECQ) hanggang May 15 ay ang pinakahuling extension ng lockdown.

Imahe mula kay Sen. Ping lacson

Ito ay upang may matira pa umanong resources ang pamahalaan para muling pasiglahin ang ekonomiya. Naniniwala rin ang mga mambabatas na naging epektibo ang ipinatutupad na ECQ sa pagpapabagal ng pagkalat ng COVID-19.

Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na ang pagpapalawig ng ECQ hanggang ika-15 ng Mayo ay napakahalaga upang tuluy-tuloy ang ginagawang social distancing na nakatutulong na bumagal ang pagkalat ng coronavirus.

“Regardless of some missteps and shortcomings of some government agencies, it cannot be denied that ECQ has contributed its share in minimizing the spread of the virus. That said, an extension is necessary in highly infected areas as identified by the President,” aniya.

Umaasa man, hindi pa rin natitiyak ng senador na ang ECQ extension hanggang May 15 ang pinakahuling extension na idedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Unfortunately, the virus dictates when to end the lockdown, not the other way around,” aniya.

Imahe mula kay Sen. Ping lacson

Sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III na dapat pagsumikapan ng buong bansa na mapigil ang pagkalat ng COVID-19 sa natitirang dalawampung araw ng ECQ kasabay ng babala na ang pamumuhay ng mga Pilipino ay hindi na magiging katulad ng dati.

Aniya, maaaring magpatupad ng “new normal” kapag tuluyan nang matapos ang ECQ.

“The ECQ is working, so let’s help one another in making it successful,” panawagan naman sa lahat ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Imahe mula kay Speaker Alan Peter Cayetano

Loading…