Savage o Real Talk? Netizen may panawagan sa pamahalaan hinggil sa mga middle class

  • Hindi napigilan ng isang “middle class” na ibulalas ang kaniyang saloobin hinggil sa pamamahagi ng ayuda ng pamahalaan sa “poorest of the poor”
  • Mungkahi niya, ang mga pasaway na lamang daw ang i–lockdown at hayaan ang mga middle class na magtrabaho 
  • Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga kapwa niya netizens

Simula nang maipatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon at iba pang mga lalawigan sa Visayas at Mindanao, umusbong ang matagal nang suliranin ng ating lipunan: kahirapan.

Marami kasi ang natigil sa pagtatrabaho at nawalan ng pagkakakitaan para sa pamilya. Dito sumulpot ang pagbibigay ng ayuda o tulong–pinansyal sa tinatawag na “poorest of the poor” na naging prayoridad ng pamahalaan.

Kaya naman, isang netizen na nasa estadong “middle class” o may sapat na trabaho at kayang tustusan ang mga pangangailangan at kagustuhan, ang nagbulalas ng kaniyang saloobin at panawagan na rin sa pamahalaan hinggil naman sa kalagayan nila.

Ibinahagi ito sa Facebook page na “Bataan Weather Page”.

Imahe mula sa Facebook page na Bataan Weather Page

Mungkahi sa post ng naturang netizen na tila pumapalibot sa sama ng loob, “Yung mga middle class huwag nang i–lockdown kasi kung hindi po kami magtatrabaho, hindi po kami kakain. Wala naman po kaming ayudang maaasahan sa gobyerno.

Panawagan niya, ang ikulong na lamang daw sa mga kabahayan nila ay ang ilang  mga kababayang “mahihirap” na labas nang labas upang tumambay, makipag–tsismisan, magsugal, at magtupada. Tutal naman daw, sa kanila nakapokus ang ayuda ng pamahalaan at sila pa ang may ganang magpasaway.

“Sila na lang po ang i–total lockdown hanggang Pasko po. Ipo–provide naman po naming mga tax payers ang pang–ayuda sa kanila. Fair enough na po ba?” aniya.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Indeed so true, tapos no work no pay wala pa matanggap from DSWD kasi di qualified,  kasi yung qualified is those people na no work since birth, sakit sa bangs,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Huwag naman pong ganiyan. Magpasalamat po tayo at may mga opportunities tayo. Mga kababayang nating mahirap, iyan ang kailangan nila para maka–survive. Mas mainam daw ang nagpaparaya.”

Public Domain Image

“Tama po, agree po ako sa sinabi niya… kami nagbabayad ng tax walang ayuda galing government para sa family namin… then sila, sarap ng buhay, may pera at grocery nakatunganga lang… magrereklamo pa sa 8,000 pesos,  kulang daw for 1 week, kaloka,” pahayag naman ng isa.

Sa kasalukuyan, malakas ang panawagang i–review ang guidelines ng pagpili ng magiging recipients o tatanggap ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s ng Department of Social Welfare and Development o DSWD matapos ang krisis sa pandemya ng COVID–19. Ang iba kasi ay napabalitang ipinansugal o ipinambili ng ipinagbabawal na gamot ang ayudang natanggap nila.

Savage o real talk?

Loading…