Sawa na sa sardinas? Frozen Jollibee Chickenjoy mabibili na sa mga Robinsons Supermarket

  • Kung miss mo na ang Jollibee Chickenjoy, puwedeng ikaw na ang magluto nito
  • Mabibili sa mga selected Robinsons Supermarket ang marinated frozen Chickenjoy sa halagang P199 per pack
  • Simple lang ang pagluto nito: I-defrost ang frozen Chickenjoy at i-deep fry

Limitado na ang galaw ng mga mamamayan matapos ideklara ang enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa health crisis. Mahigit dalawang linggo na ang lumipas simula nang i-lockdown ang buong Luzon. Naiinip na ang mga tao sa loob ng bahay.

Imahe mula sa When in Manila

Hinahanap-hanap na nila ang dating pamumuhay na nakagawian. Sawa na rin marahil ang marami na kumain ng nabili nilang mga de-latang pagkain tulad ng sardinas bago pa ideklara ang ECQ. Nami-miss na nila ang kumain sa paborito nilang fastfood restraurants na karamihan ay pansamantalang  nagsara.

Ang Jollibee, sa tulong ng Robinsons Supermarket, ay may naisip na magandang paraan para maibsan ang pananabik ng mga tao sa paborito nilang Chickenjoy.

Mabibili na ngayon sa mga selected Robinsons Supermarket ang marinated frozen Chickenjoy. Ang ibig sabihin nito ay pwede nang ikaw mismo ang magluto ng paborito mong fried chicken.

“That’s right! We got your Chickenjoy cravings covered! Jollibee’s own marinated frozen cut-ups now available at selected Robinsons Supermarket! Get them while supplies last,” post ng Robnsons Supermarket sa social media.

Imahe mula sa Robinsons Supermarket

Sa halagang P199 per pack, maaaring pumili kung aling bahagi ng manok ang paboritong kainin. Nariyan ang Chickenjoy thighs, Chickenjoy breasts at Chickenjoy rib wings.

Madali lang ang gagawin para matikman ang masarap at kinasasabikang Chickenjoy. I-defrost lang ang frozen Chickenjoy at i-deep fry. Napakasimple.

Imahe mula sa Robinsons Supermarket

Limitado lang ang supply nito, ayon nga sa pahayag ng Robinsons Supermarket, kaya magmadali para hindi maubusan.

Narito ang listahan ng mga Robinsons Supermarket branches na mayroong frozen Chickenjoy:

Calling all Jollibee lovers! Shop and cook the classic Chickenjoy for your family with Jollibee's own marinated frozen…

Posted by Robinsons Supermarket on Sunday, March 29, 2020

Loading…