Selective quarantine: Mga barangay na walang COVID-19 case iminungkahi na alisin sa ilalim ng ECQ

  • Selective quarantine iminungkahi paglipas ng umiiral na ECQ sa April 30
  • Sa ilalim ng selective quarantine, ang mga barangay na may mataas na COVID-19 cases ang mananatiling naka-quarantine
  • Batay sa rekomendasyon, ang mga barangay na COVID-19 free ay maaari nang alisin sa ilalim ng ECQ

Iminungkahi ng isang adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung sakaling magkakaroon ng extension ang enhanced community quarantine pagkatapos ng April 30, 2020 ay piliin na lang ang mga barangay na dapat isailalim pa sa quarantine.

Imahe mula sa City Government of Davao

Selective quarantine sa barangay level ang proposal ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder na si Joey Concepcion kung saan ang community quarantine ay palalawigin sa mga barangay na may mataas na bilang ng COVID-19 infection.

Ang mga barangay na walang kaso ng COVID-19 ay maaari nang alisin sa quarantine, ayon sa kanyang suhestiyon.

“When we say barangay quarantine, you don’t start by locking down a certain city, you start by considering quarantines for barangays that have high infection rates,” wika ni Concepcion.

“Let us not penalize the barangays that are infection-free and have followed the President’s orders to stay home for six weeks. This all serves as an incentive for the mayors, barangay captains and the residents to keep their barangays safe, with no new cases,” paliwanag pa ng presidential adviser.

Imahe mula sa InterAksyon

Samantala, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na may posibilidad na magkaroon ng extension o kaya naman ay modification ang umiiral na ECQ.

“Tingin ko malinaw na hindi pwede mawala ang quarantine. May posibilidad magpatuloy ang ECQ as is o ‘di naman kaya magkaroon ng modified ECQ,” ani Roque sa isang panyam.

“Ilan sa mga proposals na narinig ko sa huling pagpupulong nung last Tuesday, ay ‘yung modification base sa geographical location, base sa tinatawag sa comorbidity at modification base sa industriya,” dagdag pa niya.

Screenshot mula sa RTVM video

Ayon naman kay Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, sa April 25 ay magbibigay ng rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force hinggil sa ECQ.

Aniya, ang Pangulo ang magdedesisyon kung aalisin, palalawigin o imo-modify ang ECQ batay na rin sa mga rekomendasyong matatanggap.

Loading…