Sen. Grace Poe namahagi ng rapid test kits, PPEs, at bigas

Imahe mula sa Instagram | Grace Poe
  • Ibinahagi ni Sen. Grace Poe sa kaniyang Instagram account ang isinasagawang relief efforts para sa mga apektado ng enhanced community quarantine dulot ng COVID-19
  • Nagbigay siya ng 1,000 FDA-approved na rapid test kits sa barangay health centers sa Metro Manila
  • Bukod dito, namahagi rin siya ng bigas, alcohol, mask, at personal protective equipment

Namahagi ng 1,000 FDA-approved na COVID-19 rapid test kits si Sen. Grace Poe sa iba’t ibang mga barangay health centers sa Metro Manila.

Imahe mula sa Instagram | Grace Poe

Sa kaniyang Instagram post, sinabi niyang umaasa siya na makatutulong ang mga ito sa mga lokal na pamahalaan. “Isa itong hakbang tungo sa mabilis na pagtukoy ng mga may COVID-19 sa isang lokalidad upang mapabilis ang contact tracing at maiwasan ang paglaganap pa ng sakit,” sabi ni Sen. Poe.

Bukod dito ay namigay rin si Poe ng bigas, alcohol, mask, at personal protective equipment sa bayan ng Angono at Taytay sa Rizal.

Dagdag pa ng senadora, magpapadala rin sila ng ng tulong sa iba pang mga probinsiya sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ilan sa mga balak nilang tulungan ay Quezon City, Maynila, Pasay, Caloocan, San Juan, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Pangasinan, La Union, Tuguegarao City, Cavite Province, Laguna Province, Batangas, Quezon Province, Occidental Mindoro, Iloilo, Dumaguete City, Bacolod City, Ozamis City, Cagayan de Oro City, Lanao del Sur, at Zamboanga City.

Imahe mula sa Instagram | Grace Poe

“Ang pagkakaisa ng bawat Pilipino ang nagbibigay sa atin ng lakas upang labanan ang COVID-19. Maraming salamat sa lahat ng tumulong upang maging posible ang lahat ng ito,” ani Sen. Poe.

Dagdag pa niya, nagsisimula pa lamang ang ECQ ay nag-a   bot na sila ng suporta sa mga ospital at checkpoint.

“Kahapon, sa araw ng Pasko ng Pagkabuhay, ang aming tanggapan ay tuloy-tuloy pa rin sa pagpaplano kung saan at kanino pa tayo makakatulong,” pagbabahagi niya. “Sa ating pagbabayanihan, sama-sama nating malampasan ang pagsubok na ito.”

Loading…