Sen. Koko Pimentel III kinasuhan ng isang abogado dahil sa paglabag sa quarantine protocol

  • Senator Koko Pimentel, sinampahan ng kaso
  • Nagpadala sa DOJ ang isang abogado ng letter-complaint laban sa senador dahil sa paglabag niya sa quarantine protocol
  • Sa kabila umano ng pag-amin ng senador sa ginawa, ay hindi pa rin pinapanagot dahil sa posisyon nito

Isang abogado ang nagsampa ng kaso laban kay Senator Aquilino “Koko” Pimentel dahil sa umano’y paglabag niya sa Department of Health (DOH) COVID-19 protocol noong magtungo siya sa Makati Medical Center sa panahong dapat ay naka-self quarantine siya bilang person under investigation sa COVID-19.

Imahe mula sa Remate

Sa Facebook post, sinabi ni Atty. Rico Quicho na sa pamamagitan ng email ay nagpadala siya sa Department of Justice ng letter-complaint laban kay Senator Pimentel sa paglabag nito sa Republic Act No. 11332 at sa implementing rules and regulations nito, at iba pang patakaran ng DOH.

“At 11:47 AM today (April 6, 2020), I filed with the Department of Justice (“DOJ”) through electronic mail, a Letter-Complaint against Senator Koko Pimentel detailing the clear facts and circumstances that establish his direct violation of RA No. 11332 and its implementing rules and other DOH regulations,” bahagi ng post ni Quicho.

Napapaloob sa Republic Act  No.  11332 ang “non-cooperation of persons or entities that should report and/or respond to notifiable diseases or health events of public concern,” at ang “non-cooperation of persons who have been identified as having the notifiable disease, or those affected by the health event of public concern.” 

Imahe mula sa Facebook page ni Atty. Rico Quicho

Aniya, kaisa siya ng mga Pilipino sa pagkondena sa mga walang ingat at pabayang aksyon na naglalagay sa buhay at kalusugan ng mga health frontliners at ordinaryong mamamayan sa malaking peligro.

Bilang isang abogado at tagapagtanggol ng rule of law, hindi umano kaya ng kanyang konsensya na hayaan na basta na lang maisantabi ang ginawa ni Senator Pimentel.

Sa kabila umano ng pag-amin ng senador sa ginawa, ay hindi pa rin pinapanagot dahil sa posisyon nito.

“He has categorically admitted his breach without remorse. And yet because of his position, he is still not being made accountable,” ani Quicho.

Umaasa si Quicho sa mabilis na aksyon ng DOJ sa kanyang reklamo.

Imahe mula sa Facebook page ni Atty. Rico Quicho

Loading…