Sen. Koko Pimentel, tikom ang bibig sa balitang isinugod siya sa ospital

  • Koko Pimintel ayaw magkomento sa balitang isinugod siya sa ospital
  • Napaulat na isinugod siya sa pagamutan noong Martes, ika-31 ng Marso dahil masama ang pakiramdam
  • Si Sen. Pimentel ay nakumpirmang positibo sa COVID-19 noong nakaraang March 25, 2020

Tikom ang bibig at ayaw magbigay ng komento ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel, III sa ulat na isinugod siya sa isang ospital noong Martes, ika-31 ng Marso dahil masama umano ang kanyang pakiramdam, isang linggo makalipas makumpirma na positibo siya sa COVID-19.

Imahe mula kay Sen. Koko Pimentel

Tanging “no comment” lang ang ibinigay na mensahe ng senador sa mga mamamahayag noong Miyerkules, April 1.

Ayon naman kay Ron Munsayac, PDP-Laban national director at chief political officer ni Senator Pimentel, umaayos na ang kalagayan ng senador.

“Sen. Koko is quickly on his way to recovery, I’m very optimistic that he’ll beat the virus very soon. In fact, he’s been in communication with a lot of people already,” ani Munsayac na humiling pa sa mga reporter na bigyan ng privacy ang mambabatas.

“If okay po, he’s requesting his right to privacy and his right to get well po,” pakiusap ni  Munsayac.

Kamakailan lang ay nadawit sa kontrobersiya si Sen. Pimentel dahil sa diumano ay paglabag niya sa quarantine protocols nang samahan niya sa Makati Medical Center ang asawang nakatakdang magsilang ng una nilang supling.

Nasa naturang pagamutan ang mag-asawa nang makatanggap ang senador ng tawag mula sa Research Institute for Tropical Medicine na positibo siya sa coronavirus disease.

Screenshot mula sa video ng GMA

Dahil sa ginawa niya ay tinuligsa siya  ng mga opisyal ng pagamutan dahil sa paglabag niya sa quarantine protocols. Kinailangang i-quarantine ang mga medical staff na nakasalamuha niya sa Makati Medical Center.

Nagalit ang publiko sa ginawa ni Senator Pimentel dahil alam naman umano niya na mayroon siyang sintomas ng COVID-19 noon pang March 14, pero nilabag pa rin niya ang quarantine protocols.

Kaugnay ng nasabing paglabag, inimbitahan siya ng National Bureau of Investigation upang pagpaliwanagin sa insidente.

Source :

Abante, DWIZ

Loading…