Sen. Pacquiao nagbigay ng tulong sa mga homeless, walang ID at hindi rehistrado sa mga barangay

  • Homeless people sa Kamaynilaan binigyan ng tulong ni Senator Manny Pacquiao
  • Ang walang ID, walang barangay, walang bahay, nakatira sa kalye at hindi kasali sa 4Ps ay apektado rin ng COVID-19 crisis na dapat tulungan
  • Hinikayat ni Sen. Pacquiao ang mga homeless people na ipagbigay-alam sa pamahalaan kung hindi pa sila nakatatanggap ng ayuda at gagawa siya ng paraan upang makatulong

Nagpaabot ng tulong si Senator Manny Pacquiao sa mga taong walang sariling tahanan na sa mga bangketa lang nakatira.

Screenshot mula sa video ng Manny Pacquiao Public Information System

Sa isang video na ibinahagi ng Facebook page ng Manny Pacquiao Public Information System, ipinakita ang mga taong nakatira sa mga bangketa sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan na ayon sa senador ay mga Pilipino rin na nangangailangan ng tulong.

Tanging ang tinig lang ng senador ang maririnig sa video na pinamagatang “Walang tigil na tulong para sa mga Pilipino.”

Aniya, ang mga walang ID, walang barangay, walang bahay, nakatira sa kalye at hindi kasali sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan na pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay apektado rin ng COVID-19 crisis tulad ng lahat ng mamamayan ng bansa.

“Mga mahihirap na nakatira sa kalye, walang ID, walang barangay, walang bahay at hindi kasama sa DSWD 4Ps, kasama rin kayo sa crisis ng COVID-19 at kasama rin kayo na tutulungan ng ating gobyerno,” anang senador.

Hinikayat niya ang mga ito na kung sakaling hindi sila nabigyan ng tulong mula sa pamahalaan ay ipagbigay-alam nila sa mga taong kinauukulan. Gagawa umano ng paraan ang senador upang mabigyan sila ng tulong.

Screenshot mula sa video ng Manny Pacquiao Public Information System

“’Pag hindi kayo nakatanggap ng ayuda sa ating pamahalaan, ipagbigay-alam lamang po sa inyong nasasakupang lider at gagawa po kami ng paraan para po kayo ay mabigyan ng tulong ng ating gobyerno dahil kayo ay Pilipino rin,” sabi pa ni Sen. Pacquiao.

Sa dulo ng video ay mababasa ang mga katagang “Tuloy tuloy sa pagtulong, walang hihinto.”

Source :

Facebook

Loading…