Shipping container vans ginawang mobile health facilities ng DPWH para sa COVID-19 patients

  • Mga shipping container vans ginawa ng DPWH na mga mobile health facilities
  • Ang DPWH-National Capital Region ay gumawa ng prototype ng one-storey health facility gamit ang isang 40-footer container van na dinisenyo batay sa guidelines ng DOH
  • Plano rin na i-convert ang mga  20-footer high cube container vans sa nurse stations, utility rooms o pansamantalang living quarters ng mga health frontliners

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pag-convert ng mga shipping container vans para gawing mobile health facilities habang patuloy ang pagtaas ng bilang mga mga COVID-19 cases sa bansa.

Imahe mula sa PeakPX

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, inihanda na ng ahensya ang disenyo ng apat na container vans na may sukat na 40 feet long, 8 feet wide at 9 feet ang taas na pagdidikit-dikitin upang makagawa ng isang mobile field hospital na maaaring gamitin bilang isolation at treatment facility para sa 16 na COVID-19 patients.

Aniya, bagama’t bumagal ang pagdami ng COVID-19 cases dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine, kailangan pa rin na manatiling nakahanda kung sakali man na lumala ang sitwasyon.

“While the spread of infection seems to have slowed down because of the enhanced community quarantine, we just have to be ready in the event that the situation worsens”, anang kalihim.

Inanunsyo rin ni Sec. Villar na natapos na ng  DPWH-National Capital Region ang prototype ng one-storey health facility gamit ang isang 40-footer container van na dinisenyo batay sa guidelines ng Department of Health (DOH).

“Based on plans for one story health facility, a 40-footer shipping container is divided into four rooms and designed per DOH guidelines and recommendations to have proper ventilation, and toilet and bath on each room inasmuch as every probable COVID patient needs full isolation,” ani Villar.

Imahe mula sa DPWH

May plano rin para sa mga 20-footer high cube container vans na iko-convert bilang nurse stations, utility rooms o pansamantalang living quarters ng mga health frontliners.

Ang mga converted container vans ay maaari umanong ma-install sa hospital grounds o sa mga pampublikong lugar.

Loading…