Singer-actor, reservist na si Ronnie Liang, patuloy na naglilingkod sa bayan bilang frontliner

  • Si Ronnie Liang ay nakilala noong 2006 sa singing contest ng ABS-CBN na Pinoy Dream Academy Season 1
  • Gayunman, hindi natapos sa mundo ng showbiz ang kaniyang karera sa buhay
  • Isa rin siyang sundalo na aktibo ngayon sa pagtulong sa ating mga kababayan sa panahon ng COVID-19

Isa ring frontliner ang singer-actor na si Ronnie Liang, unang nakilala ng publiko nang lumahok ito sa Pinoy Dream Academy Season 1 ng ABS-CBN noong 2006 na kasabayan ni Yeng Constantino.

Si Liang ay aktibong kasapi ng Philippine Army Reservist at ang kaniyang ranggo ay second lieutenant. Kasalukuyan siyang kasama sa Joint Task Force – National Capital Region na naka-duty sa Valenzuela City MacArthur Highway checkpoints.

Imahe mula sa Facebook page ni Ronnie Liang

Bilang bahagi ng Philippine Army, kasama si Liang sa mga sundalong frontliners na tumutulong sa mga Pilipino sa panahon ng enhanced community quarantine.

Batay sa kaniyang Instagram account, siya ay nadedestino sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang labanan ang COVID-19. Ginagawa niya ito para sa ating bayan.

“Service is putting the interest of others first before your own & expecting nothing in return,” ayon sa isang Instagram post ni Liang.

Boluntaryo ang pagtulong na ito ni Liang bilang bahagi na rin ng kaniyang panata.

Saludo rin kay Liang ang iba pang kasamahan sa Philippine Army tulad ng text message na ipinadala sa kaniya ng kapuwa niya sundalo.

“Continue to be an inspiration to our people especially the young ones as they see in you their relevance in the society, that young as you are you are beaming with the spirit of volunteerism…” ayon sa mensahe.

Imahe mula sa Facebook page ni Ronnie Liang

Noong mga nakaraang linggo, kasama si Liang sa mga sundalong naghatid-sundo sa mga naestranded na pasahero at medical personnel sa Metro Manila.

Si Liang ay isa lamang sa mga libo-libong sundalong naglilingkod sa ating bayan.

Loading…