Sino ang pasaway? Pamimigay ng bigas ng isang pari sa Taguig City dinumog ng napakaraming residente ng Makati City

  • Napakaraming residente ng Makati ang dumagsa sa kalsada para makakuha ng ipinamimigay na bigas sa BGC sa Taguig
  • Nagsisiksikan ang mga tao at hindi na nasunod ang physical distancing
  • Isang pari sa St. Michael The Archangel Church sa BGC sa Taguig City ang namamahagi ng ayudang bigas

Maraming mamamayan ang nakararanas na ng kagutuman dahil sa mahigit isang buwan nang umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa COVID-19 pandemic.

Screenshot mula sa video ni Eyriel Delos Santos Yarte

Milyun-milyon ang nawalan ng pinagkakakitaan dahil sa lockdown. May ayuda mang ipinamamahagi ang pamahalaan at ang mga pribadong indibidwal na may mabubuting kalooban ay hindi pa rin sapat ang mga iyon upang mapigilan ang mga tao na makipagsapalaran; malagyan lang ng laman ang kumakalam na sikmura.

Katulad na lang ng insidenteng naganap sa Makati City umaga nitong Linggo, ika-26 ng Abril, kung saan ay makikita sa video na ibinahagi sa social media ng netizen na si Eyriel Delos Santos Yarte ang napakaraming tao na nagsisiksikan sa kalsada upang makakuha ng ipinamimigay na bigas.

Ayon sa boses na maririnig sa video, ang mga residente ay mula sa West Rembo, East Rembo, Cembo at South Cembo sa Makati. Isang pari umano sa St. Michael The Archangel Church sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig ang namamahagi ng bigas.

Isang mobile patrol ng Southern Police District ng Taguig City ang dumating upang ayusin ang kaguluhan, ngunit binalewala lang ito ng mga tao na hindi na inalintana ang banta ng COVID-19 sa pagnanais na makakuha ng ayudang bigas.

Hindi ba kayang ipatupad ng PNP ang quarantine guidelines?

Screenshot mula sa video ni Eyriel Delos Santos Yarte

Base sa maririnig na boses ng pulis, ang mga may hawak na number lang ang mabibigyan. Pinakiusapan ang mga taong walang number na magsiuwi, ngunit parang wala silang narinig.

Maraming nakapanood ng video ang nalungkot sa pangyayari.

“Totoo nakakalungkot grabeee. Isa lang mag-positive diyan hawa-hawa na.”

“Gutom na ‘yan sila kaya ganyan.”

May isang nagkomento na mali ang ginawa ng pari. Sana raw ay ginawang bahay-bahay ang pamamahagi.

Mali ‘yang ginagawa ng pari na ‘yon. Dapat bahay-bahay na lang ginawa nila sa tao.”

Sa pangyayaring ganito, sino nga ba ang maituturing na pasaway? Ang pari na namimigay ng bigas na hindi ginawang bahay-bahay ang pamamahagi o ang mga taong sumugod dahil kumakalam ang mga sikmura?

Masisisi ba ang Taguig City PNP na walang nagawa para pasunurin ang mga taong lumabag sa alituntunin ng enhanced community quarantine at social distancing?

Source :

Facebook

Loading…