Sino nga ba si “Miss Everything?”

  • Isa sa mga kinatutuwaan ngayon sa social media si “Miss Everything”
  • Bukambibig kasi niya ang mga katagang ‘Hello, Everything!’ sa pagsisimula ng kaniyang mga video, sa halip na “Everyone”
  • Umaasam ang iba na magkaroon siya ng break sa showbiz

Isa sa mga paraan ngayon upang maging sikat ang isang tao ay ang mga social media platforms. Kaunting pa–cute, pagsayaw, pagkanta, pagpapamalas ng daily routine, o pagpapamalas ng iba pang talento sa harap ng camera at pag–upload nito, instant celebrity na lalo kung nagustuhan at “pinusuan” ng mga kapwa–netizens.

Isa sa mga bagong online sensation ngayon ay ang cross dresser na si “Miss Everything” na nakilala sa mga pagpapa–cute niya sa Facebook, dahil wala siyang TikTok account. Bukambibig din niya ang mga katagang “Hello, Everything!” sa pagsisimula ng kaniyang mga video, sa halip na “Everyone”.

Imahe mula sa Facebook page na “Rant”

Kamakailan lamang ay kinatuwaan ang kaniyang larawan sa Facebook page na “Rant” kung saan makikita sa kaniyang mga larawan na siya ay “umaawra” habang nakasuot ng gown na kulay–berde. “Inang Kalikasan” ang peg!

Sa halip na kainisan ay nagdulot ng good vibes sa mga netizens ang kaniyang mga larawan.

Sabi ng isa, “She’s very accommodating person. What are you feeling right now, Miss Everything? Sana maghatid ka pa ng good vibes sa mga tao, lalo na sa panahon ngayon na puro galit at pangamba ang namamayani.”

“Napanood ko ang isa sa mga videos niya. Sabi niya roon, ‘Why is it called COVID -19? Because the age of the virus is 19 haha. EPIC YUNG LAST PART,” turan naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Hi Miss Everything! For me, you are everything talaga. Sana marami ka pang mapatawa sa iyong mga hirit. Mas okay na ang maghatid ng tawa sa panahon ngayon, hindi yung pambabatikos na lamang ang alam gawin ng iba. Common guys! Be Miss Everything!”

Panoorin ang isa sa mga nakatutuwang video ni Miss Everything via YouTube channel:

Loading…