Siyudad sa China na may 10M residents ni-lockdown para pigilan ang panibagong COVID-19 outbreak

  • Isang siyudad sa China ang ni-lockdown upang pigilan ang panibagong COVID-19 outbreak
  • Isang babaeng estudyante na galing sa New York ang pinaniniwalaang nagdala ng coronavirus sa Harbin City
  • Ang China ay nakapagtala na ng halos 83,000 confirmed COVID-19 cases

Nagpatupad ng lockdown ang Harbin City sa northeastern China kasunod ng pagkakaroon ng maraming bagong kaso ng novel coronavirus infection doon.

Screenshot mula sa ABP Live video

Mahigit pitumpong tao ang nahawahan ng COVID-19 at mahigit 4,000 naman ang isinailalim sa test dahil sa kumalat na virus na pinaniniwalaang dala ng isang babaeng estudyante na umuwi sa China mula sa New York sa Amerika.

Ipinagbawal ng mga city officials ang mga pagtitipon at inatasan ang mga komunidad na masusing matyagan ang mga bisita at mga sasakyan mula sa ibang lugar na pumapasok sa Harbin City, ang Kapitolyo ng Heilongjiang Province, na may humigit-kumulang sampung milyong residente.

Nagtayo ng mga checkpoint sa airports at train stations upang masala ang mga taong nagmumula sa ibang lugar.

Upang makalabas-masok ang mga lokal na residente sa siyudad, kailangan nilang magkaroon ng guard scan o QR code na kulay berde na nagpapatunay sa wala silang COVID-19 infection. Kailangan din na nakasuot sila ng face mask at kukunin din ang kanilang temperature.

Screenshot mula sa ABP Live video

Mahigpit na ipinatutupad ang social distancing at ipinagbawal na ang mga kasalan, lamay, concert at iba pang pagtitipon.

Ang lahat ng confirmed, suspected, asymptomatic cases at close contacts nila ay ilalagay sa istriktong quarantine, samantalang ang kanilang mga kapitbahay sa kaparehong gusali ay kailangan i-quarantine ng dalawang linggo habang mahigpit na binabantayan..

Ang China ay nakapagtala na ng halos 83,000 confirmed COVID-19 cases. Ang 4,632 sa kanila ay hindi nakaligtas sa virus.

Imahe mula sa Mainichi

Loading…