So cute! Solenn Heussaff, ibinahagi ang mukha ng anak sa unang pagkakataon

Imahe mula sa Instagram | Solenn Heussaff
  • Ipinakita na ni Solenn Heussaff ang mukha ng anak na si Thylane Katana
  • Matatandaang sinabi noon ni Solenn na gusto muna niyang i-enjoy ang mga pagbabago sa kaniyang panganay bago niya ito ibahagi sa publiko
  • Sinabi niya rin sa mga kumukuwestyon sa desisyon niyang ‘wag munang ibahagi ang mukha ng anak na hindi umiikot ang buhay sa social media

Sa unang pagkakataon ay ibinahagi na ng aktres na si Solenn Heussaff ang mukha ng anak nila ni Nico Bolzico na si Thylane Katana sa social media.

Imahe mula sa Instagram | Solenn Heussaff

“Best days at home getting to know your pure gentle soul. Te amo Thylane…de tout mon coeur [I love you, Thylane…with all my heart],” saad Solenn sa selfie kasama ang anak. “Sorry @nicobolzico this is just a girls pica. You can’t hang with us!”

Maging sa kaniyang Instagram stories ay nagbahagi siya ng video kasama ang anak. “I’ll only share you sometimes my little happy pill,” aniya.

Matatandaang sinabi noon ni Solenn na hindi siya nagmamadaling ibahagi ang mukha ng anak sa social media dahil nais muna niyang i-enjoy ang mga pagbabago nito.

Ikinalungkot niya raw ang mga komento sa social media tungkol sa desisyon niyang ito. “People keep asking why I haven’t posted Thylane yet. Though I eventually will, I am not in a hurry and enjoying her every change. She is so precious,” aniya.

Imahe mula sa Instagram | Solenn Heussaff

“I have read comments like ‘Is your baby ugly?’ ‘Aren’t you proud of her?’ ‘Is she abn0rmal?’ among other things.”

Paalala ni Solenn, hindi sa social media umiikot ang ang buhay.

People need to remember that life does not happen on IG. Yes, it is a great place to share things but you don’t have to share everything. It’s not because it did not happen on IG that it did not happen in real life,” sabi niya.

Enero 1 ngayong taon nang isilang ni Solenn ang panganay nila ni Nico Bolzico.

Loading…