Social symbol ng mga batang 90’s: “Rich kid” ka kung kumpleto ang volume mo ng encyclopedia

  • Sinariwa ng isang netizen ang isa sa mga “social symbol” noong 90’s
  • Kapag kumpleto ang set ng volumes ng encyclopedia, itinuturing na mayaman na ang iyong pamilya
  • Sa ngayon, mas tinatangkilik na ng mga tao ang mga search engines at online encyclopedia

Ayon sa marami, masasabi raw na “may kaya” o nakaaangat ang ekonomikong buhay ng isang tao batay sa kaniyang anyo at mga gamit. Ibinabatay ito kung branded o may tatak ba ang mga kasuotan, sapatos, bag, at iba pang mga kagamitang pag–aari niya.

Isa sa mga naging batayan noon ng mga batang 90’s upang malaman ang kalagayan sa lipunan ng mga tao ang pagkakaroon ng buong volume ng encyclopedia. Ito ay nagsilbing “social symbol” dahil mahal ang presyo ng isang volume lamang ng encyclopedia. Iyan ang sinariwa ng netizen na si “Charlemagne Dime Carumba”sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Charlemagne Dime Carumba

Iniugnay niya ito sa kasalukuyang mga pangyayari at usapin hinggil sa pagbibigay ng ayuda o cash assistance sa mga “qualified” na recipient ng Department of Social Welfare and Development oi DSWD.

Ayon sa kaniya, “Who are not qualified for the DSWD ASSISTANCE? Sagot niya, “90’s people: Kahit hulugan basta complete set ‘matic MAYAMAN na ‘yan. Kalakip ng kaniyang post ang isang larawan na nagpapakita ng kumpletong set ng mamahaling encyclopedia.

Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens.

“Naaalala ko ito. Nakatulong sa akin ito nang sobra when I was still studying. Yayamanin ang isang pamilya kapag may encyclopedia sa bahay, lalo na kapag kompleto ang set ng mga volume,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Marami kaming ganiyan sa bahay. Hindi ko alam kung paano kami nagkaroon, basta lumaki akong may mga nakadisplay na ganyan sa mga shelves namin. Hindi na nabuklat at naluma na. Obsolete na kasi. Sa makabagong panahon, mas naka–rely ang mga tao sa internet.”

“These include a 10-volume set of children’s encyclopedia, a two-volume dictionary, and a huge world map all for free! These books made me love history and geography,” pagbabahagi naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Charlemagne Dime Carumba

Ang encyclopedia ay isang uri ng makapal na aklat na naglalaman ng iba’t ibang mga impormasyon sa iba’t ibang larangan at disiplina. Sa pagdaan ng makabagong panahon, hindi na ito masyadong ginagamit lalo na ng mga kabataan, dahil mas gusto nila ang internet. Upang makasabay rito, nagkaroon na rin ng iba’t ibang mga online encyclopedia na madaling ma–access lalo na ng mga mag–aaral.

Loading…