‘Sorry if I have to take care of other people first’: Inang frontliner may emosyonal na liham para sa anak

Imahe mula sa Facebook | Po Niang
  • Gumawa ng liham ang isang ina na nagtatrabaho ngayon bilang nurse
  • Hindi muna siya umuuwi sa kaniyang dalawang taong gulang na anak dahil ayaw niyang dalhan ito ng virus
  • Humingi siya ng paumanhin sa anak dahil kailangan muna niyang unahin ngayon ang mga pasyente upang sundin ang tawag ng kaniyang tungkulin

Isang ina na nagsisilbing frontliner ngayon sa laban ng bansa sa COVID-19 ang gumawa ng liham para sa kaniyang dalawang taong gulang na anak dahil hindi niya muna ito makakasama.

I-click ang imahe para makita ang buong post

Ayon sa Reporter’s Notebook, kapwa mga nurse ang mag-asawang sina Ryan at Ninia kaya naman nagkakasya muna sila sa pakikipag-video call sa anak na si Theo.

Gumawa rin ng liham si Ninia kung saan ipinapaliwanag niya sa paslit kung bakit hindi muna niya makakapiling ang kaniyang mga magulang ngayon.

“Dear Theo, a lot of things are happening right now but there is one thing I’d like you to know and it’s my love for you. I love you anak, so much. God knows how much I do,” panimula niya.

Humingi siya ng paumanhin dahil ginugugol niya ngayon ang kaniyang oras sa ospital kaya naman hindi na siya nakaka-bonding ni Theo.

Imahe mula sa Facebook | Po Niang

“Sorry if I have to take care of other people first. Sorry I don’t play with you anymore the way we used to do,” sabi ni Ninia na isang disease surveillance officer at health emergency management staff.

Marami pang mga nakasanayang kulitan at bonding nila ang naudlot dahil ayaw ng mag-asawa na mag-uwi ng panganib sa kanilang anak

“Mama will be staying here for a while. I am doing this anak, because I love you. I do not want to compromise your health because of me. This is the call of our duty, anak. I know you can’t understand it right now but I hope one day, you will and be proud of Mama,” dagdag pa niya.

Panalangin din daw ni Ninia ang kaligtasan ng lahat ng mga bata mula sa COVID-19.

“Again, I am sorry, I miss you, and I love you so much, anak. See you after this outbreak,” pagtatapos niya.

Loading…