Spain, unti-unti nang bumabalik sa normal sa kabila ng umiiral na lockdown dahil sa COVID-19

  • Unti-unti nang bumabangon ang bansang Spain matapos ang dagok ng C0VID-19
  • Nakabalik na sa trabaho ang malaking bahagi ng workforce ng Spain
  • Pinahihintulutan na ring lumabas ang mga residente roon ngunit may kaunti pa ring restriksyon

Isa ang bansang Spain sa lubhang naapektuhan ng pandemic na C0VID-19. Dahil dito, kinailangan ding isailalim sa lockdown ang buong bansa dahil sa lawak ng naabot ng virus. Pero dahil sa nakikitang pagbuti ng sitwasyon doon, unti-unti na ring niluluwagan ang seguridad at unti-unti na ring bumabalik sa normal ang gawain ng mga residente.

Kapansin-pansin sa mga malalaking pagbabago mula nang mag-lockdown sa Spain ay ang pagbabalik sa trabaho ng malaking bahagdan ng kanilang workforce. Ayon sa ulat ng pamahalaan ng Spain, tinatayang nasa 300,000 essential workers na ang nakabalik sa kanilang trabaho sa rehiyon ng Madrid.

Larawan mula sa Pexels

Ngayong nasa ikalawang buwan na ng lockdown ang Spain ay nakikita na nila ang pagganda ng sitwasyon kaya naman nakabalik na rin sa trabaho ang marami. Gayunman, ang mga negosyo tulad ng bars, tindahan, at restaurants ay hindi pa rin bukas dahil mas prayoridad ang essential businesses na makapag-operate muli.

Mababatid rin ang muling pagsigla ng mga mamamayan sa kanilang mga normal na aktibidad tulad ng paglalaro ng mga bata sa labas. Ayon sa ilang ulat makikita na ang mga batang edad 14 pataas sa labas ng kanilang bahay sakay ng kanilang mga bisikleta, scooters, at skateboards.

Ngunit mahigpit pa ring ipinatutupad ang ilang restriksyon tulad ng hindi paglayo sa kanilang bahay na hindi aabot ng isang kilometro. Masaya ang mga magulang at mga bata na muling makalabas ng bahay matapos ang dalawang buwang pananatili sa loob ng tahanan.

Inihayag naman ng Prime Minister ng bansa na si Pedro Sanchez na ang pagbabalik sa normal ng pamumuhay sa Spain ay isang malaking proseso pang dapat pagtrabahunan ng pamahalaan at ng mga mamamayan mismo.

Larawan mula sa Pexels

Maging ang pamahalaan daw ay hindi pa batid kung anong pamumuhay ang babalikan nila matapos ang napakalaking dagok na ito. Kaya naman patuloy daw ang kanilang mga proyekto na magpapanatili ng kalinisan sa kanilang bansa lalo na’t hindi pa naman ligtas ang Spain sa banta ng C0VID-19.

Pero ang unti-unti raw na pagbaba ng kaso sa kanilang bansa ay isang malaking senyales na gumagana ang kanilang mga ipinatutupad na programa.

Source :

CNN, Fox News

Loading…