SSS pensioners na wala pang P5,000 ang buwanang pensyon dapat isama sa social amelioration program

  • SSS pensioners dapat isama sa social amelioration program ng pamahalaan sa gitna ng lockdown
  • Marami sa mga SSS pensioners ay tumatanggap lang ng P2,000 a month
  • Ikinadismaya ng Bayan Muna ang pahayag ni Secretary Nograles na hindi kasali sa social amelioration program ang mga SSS pensioners

Nananawagan ang Bayan Muna sa Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na ibalik sa listahan ng benepisyaryo ng social amelioration program ang mga Social Security System (SSS) pensioners.

Imahe mula sa PNA

Sa naunang press briefing, ipinahayag ni Cabinet Secretary at IATF spokesman na si Karlo Nograles na hindi kabilang ang SSS pensioners sa mga makatatanggap ng P5,000-P8,000  cash aid sa ilalim ng social amelioration program.

“Pensioners are not included in low-income families. The first criteria is ‘low income.’ And among the low-income families, priority is senior citizens, solo parents, etcetera. Ang uunahin natin na senior citizens, siyempre iyong mga indigent senior citizens,” sabi noon ni Nograles.

Ikinadismaya ng Bayan Muna ang naging pahayag na ito ni Secretary Nograles.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, matagal na silang nananawagan na ibigay na sa mga SSS pensioners ang second tranche ng P1,000 SSS pension increase bago pa man magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa Bombo Radyo

Ang panawagan ay muli nilang inulit bago pa maisabatas ang Bayanihan to Heal as One Act, subalit hindi rin umano sila pinakinggan.

Paliwanag ni Zarate, maraming senior citizens na SSS pensioners ang nahihirapan sa kakarampot na pensyong natatanggap. Ang paghihirap nila ay lalo pang nadagdagan nang ideklara ang enhanced community lockdown.

Aniya, maraming pensyonado ang tumatanggap ng basic SSS pension na P2,000 kada buwan kaya nararapat lang na isama sila sa social amelioration program.

Dapat umanong mabigyan din ng cash aid ang mga pensyonadong mababa sa P5,000 a month ang natatanggap na pensyon.

Imahe mula sa DSWD
Source :

Bandera, PNA

Loading…