St. Luke’s Care Store, binuksan upang bigyan ng libreng grocery items ang kanilang frontliners

Imahe mula sa Facebook | SLMC
  • Bilang pasasalamat sa kanilang frontliners ay nagbukas ang St. Luke’s Medical Center (SLMC) sa BGC ng makeshift store kung saan libre silang makakukuha ng grocery items
  • Ang St. Luke’s Care Store sa Quezon City naman ay magbubukas din sa April 7
  • Nagpasalamat din ang SLMC management sa pamilya ng mga frontliners na patuloy silang sinusuportahan sa gitna ng COVID-19

Habang ang lahat ay pinapayuhan na manatili sa kanilang bahay upang hindi mahawaan ng COVID-19, ang mga frontliners ay patuloy na inilalagay ang kanilang kalusugan sa alanganin sa pagganap sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Imahe mula sa Facebook | SLMC

Bilang pagbibigay-pugay sa kanilang mga frontliner ay nagbukas ang St. Luke’s Medical Center (SLMC) ng St. Luke’s Care Store, isang makeshift na tindahan upang mabigyan sila ng libreng grocery items kagaya ng pagkain at health o grooming items.

“A project of the St. Luke’s Medical Center executives, this aims to provide the h0spital’s frontliners and their families FREE grocery items, as a token of appreciation for their hard work and selfless efforts to continuously provide patient care amid the COVID-19 crisis,” sabi ng 0spital sa isang post sa kanilang official Facebook page.

Makapipili ang mga frontliner ng kailangan nila at ng kanilang pamilya mula sa St. Luke’s Care Store.

Bukas na ang St. Luke’s Care Store sa Bonifacio Global City habang magbubukas pa lamang ito sa SLMC Quezon City sa April 7.

Imahe mula sa Facebook | SLMC

Sa isang liham ay nagpaabot din ng pasasalamat si St. Luke’s Chairman Frederick Dy sa lahat ng kanilang mga frontliner — mula sa doktor, associates, medical, at non-medical staff.

“The service you give each day contributes immeasurably to our country’s success in extinguishing this healthcare crisis,” aniya.

“I know that all of you are worried about your health; it is your duty that keeps you standing, even if it means that your lives are at risk… As one family, we will win this war and provide for a better future for our families and for our country.”

Loading…