StarStruck winner Jewel Mische na naka-base na sa USA ngayon, ipinakilala ang kanyang ikalawang baby

  • Ipinakilala ng StarStruck alumna sa mundo ang kanyang bagong anak na si Baby Emrie
  • Ito na ang ikalawang anak ng 29-year-old former Kapuso star sa asawang si Alister Kurzer
  • Naka-base ngayon si Jewel sa Michigan, USA kasama ang asawa at mga anak

Isa sa mga sumikat na produkto ng reality show ng GMA Network na StarStruck si Jewel Mische. Marami ang nabighani sa angking gandang pang-leading lady ni Jewel at marami pa ang nagsasabi na look alike sila ng Mega-daughter na si KC Concepcion.

Naging leading lady naman si Jewel ng ilang Kapuso shows at naipares pa kay Richard Gutierrez na kalaunan ay naging nobyo niya. Hindi man sila nagkatuluyan ay may kanya-kanya nang pamilya ang dating tambalan.

Larawan mula sa Instagram account ni Jewel Mische

Noong 2013, iniwan ni Jewel ang showbiz para bumuo ng sariling pamilya. Ikinasal sila ng American boyfriend na si Alister Kurzer sa isang winter-themed wedding na ginawa sa Michigan, USA. Sa Amerika na rin sila nanirahan at noong 2018 ay isinilang ni Jewel ang panganay niyang anak na si Aislah Rose.

At dalawang taon matapos ito, may panibagong biyaya si Jewel at ang kanyang asawa. Ipinakilala na kasi ni Jewel ang kanyang ikalawang anak na si Emerald Jade o tinatawag nilang si Emrie. Cute na cute ang anak ng dating Kapuso star na dumating sa mundo noong April 3 at tumitimbang daw ng 7 pounds at 10 ounces.

Sa isang post kung saan makikita ang tulog na si Baby Emrie, sinabi ni Jewel ang dahilan kung bakit Emerald ang ipinangalan nila sa anak. Nangangahulugan daw kasi itong “majestic beauty, rare strength, tempered with mercy and lover of mankind.”

Ibinida rin ni Jewel sa magkahiwalay na post ang excitement na naramdaman ng asawa niya at panganay na anak sa pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya. Maging ang nararamdamang tuwa ni Jewel ay ibinahagi niya rin sa isang post.

Larawan mula sa Instagram account ni Jewel Mische

Ayon sa StarStruck Ultimate Female Survivor, hindi niya raw inakalang darating ang napakalalaking biyaya sa kanyang buhay. Ngunit ngayong kaharap na raw niya ang dalawang supling, feeling blessed raw ang dating aktres malayo sa kinang ng showbiz.

Maraming fans naman ng dating teen star ang natutuwa para sa masayang pamumuhay na mayroon ang kanilang idolo. Malayo man sa kanila ang idolo ngayon at hindi na aktibo sa showbiz, maligaya sila para sa blooming na si Jewel sa piling ng kanyang pamilya.

Source :

PEP, Instagram

Loading…