Struggle is real: Estudyante sa Masbate umaakyat ng bundok para makapagpasa ng requirements

Imahe mula sa Twitter | Franz Berdida
  • Ibinahagi ng isang estudyante ang ginagawang diskarte makasagap lamang signal sa probinsya upang makapagpasa ng requirements sa paaralan
  • Sa loob ng 30 minuto hanggang isang oras ay umaakyat siya sa isang bundok kung saan siya nakakukuha ng signal
  • Kahit kasi sarado ang mga paaralan ay may ilan na itinutuloy ang online classes

Bagama’t sarado na ang mga paaralan simula nang umiral ang enhanced community quarantine upang maiwasang dumami ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay may ilang mga nagpatuloy ng klase online.

Imahe mula sa Twitter | Franz Berdida

Isa na rito ang unibersidad na pinapasukan ng Twitter user na si Franz Berdida kaya naman kinailangan niyang umakyat ng bundok upang magpasa ng requirement para sa kaniyang finals.

Ayon sa GMA News, nag-aaral si Berdida sa Intramuros, Manila ngunit umuwi siya sa kaniyang probinsya sa Burias Island, Masbate bago tuluyang ipatupad ang ECQ. Hindi kagaya sa Maynila ay mahina ang signal doon kaya naman the struggle is real para sa kaniya pagdating sa paggamit ng Internet.

Sa video na kaniyang ibinahagi ay makikita siyang nakaupo sa dilim sa harap ng kaniyang laptop. “Umakyat ng bundok for finals kahit gabing gabi na just to pass kasi ayokong ma-IP [In Progress] or worse, bumagsak,” aniya.

Imahe mula sa Twitter | Franz Berdida

Ayon pa sa GMA, umaabot ng 30 minuto hanggang 1 oras ang pag-akyat niya rito na kaniyang ginagawa maraming beses sa isang linggo.

“I am thankful to social media for highlighting this particular experience. In these trying times, I am just one of those Filipino students trying to learn despite the present adversities,” ani Berdida.

Paglilinaw rin niya, nais niyang ipakita na sa kabila ng hirap na kailangang kaharapin ay patuoy siyang gumagawa ng paraan.

“I do not have an intention to denigrate any person or entity. This is simply sharing my experiences that despite the difficulties, I will continue to comply and learn, regardless of how hard it is.”

Panoorin dito ang video:

Source :

Twitter, GMA News

Loading…