Student org sa La Salle, may fundraiser para sa Angkas riders

Imahe mula sa Facebook | Santugon at Angkas
  • Nagsimula ang isang student organization ng De La Salle University ng fundraising para sa mga Angkas riders
  • Layunin nilang makapamahagi ng 1,000 piraso ng ‘On-The-Go Kit’
  • Naglalaman ang mga ito ng tubig, vitamins, reusable mask, biscuit, tinapay, at juice.

Kabilang ang Angkas riders sa mga itinuturing ngayon na frontliners sa kinahaharap na krisis ng bansa dulot ng COVID-19. Kagaya kasi ng mga pulis, militar, at healthcare workers ay hindi nila alintana ang banta sa kanilang kalusugan makapagserbisyo lamang sa kanilang mga customer.

Imahe mula sa Facebook | Angkas

Ito ang dahilan kung bakit naisipan ng Santugon Sa Tawag Ng Panahon, isang student organization ng De La Salle University, na magsagawa ng fundraising upang matulungan ang ilan sa mga itinuturing na modern-day heroes.

Sa kanilang programang Ride and Provide, makapagbibigay ka na ng isang “On-The-Go Kit” na naglalaman ng tubig, vitamins, reusable mask, biscuit, tinapay, at juice sa halagang P75.

“Santugon Sa Tawag Ng Panahon, in partnership with Angkas, will provide on-the-go kits for 1,000 Angkas bikers as a way of thanking them for their continuous service despite the pandemic,” anila.

Imahe mula sa Santugon | Sarah Gordon at Marga Cruz

Bukod sa mga rider na patuloy pa ring nagtatrabaho ay target din nilang tulungan iyong mga hindi muna nakabibiyahe sa ngayon, kagaya na lamang ni Mark Mendoza, isang full-time Angkas biker.

“Kuya Mark is a full-time Angkas biker who hasn’t been working for a couple of weeks since his license was confiscated. He has a wife and two babies,” anila.

Bagama’t patuloy na nakukuha ng asawa ni Mark ang bahagi ng kaniyang basic pay ay nahihirapan pa rin silang pagkasyahin ito para sa kanilang pangunahing pangangailangan at panggatas ng kanilang mga anak.

“Bahala na po ang nasa taas. Doon na lang po kami humihingi ng lakas. [Sana] matapos na itong pinagdaraanan ng mga tao,” ani Mark.

Sa kanilang update noong April 23 ay sinabi ng grupo na nakakolekta na sila ng P55,205 na katumbas daw ng 734 sa target nilang 1,000 kits para sa riders.

Maaaring pang magpadala ng donasyon sa mga sumusunod: BDO (Maxine Ganzon,  007360126638) at GCash (Britney Paredes, 09273085261).

Source :

Facebook

Loading…