Sun worshippers: Mga Indonesians nagbibilad sa araw na pangontra raw sa COVID-19

  • Mga Indonesians nagbibilad sa araw na pangontra raw sa COVID-19
  • Nagsimulang magbilad sa araw ang mga Indonesians kasunod ng balita na madaling mapuksa ang virus na sanhi ng COVID-19 sa sikat ng araw
  • Nakapagpapalakas ng immune system ang Vitamin D mula sa sikat ng araw, ngunit hindi nito mapupuksa ang COVID-19

Kung dati ay pawang mga banyagang turista ang karaniwang makikita na nagsa-sunbathing sa mga tourist spots ng Indonesia, partikular na sa Bali, ngayon ay mga ordinaryong mamamayan ang matatanaw na nagbibilad sa araw.

Imahe mula sa Indonesian military

Ito ay kasunod ng mga balitang lumabas sa social media, na hindi pa naman napatutunayan, na ang sikat ng araw at ang vitamin D na makukuha mula rito ay kayang puksain ang novel coronavirus na sanhi ng COVID-19.

Lalo pang lumakas ang paniniwala sa ganito matapos sabihin ng isang mataas na opisyal ng Estados Unidos na batay daw sa isang isinagawang research, ang COVID-19 ay madaling mapuksa kapag nahantad sa sikat ng araw.

Maging si US President Donald Trump ay naniniwala na ang ultraviolet rays mula sa araw ay mabisang pangontra sa COVID-19.

May pagdududa ang mga medical experts na kayang puksain ng sikat ng araw ang coronavirus, pero sinasabi nila na ang labinlimang minutong pagbibilad sa morning sunshine ay makabubuti sa tao.

“Exposing the body to direct sunlight is good to get vitamin D, not to directly prevent the disease,” sabi ni Dr. Dirga Sakti Rambe ng OMNI Pulomas Hospital sa Jakarta.

Imahe mula sa Gulf Today

Aniya, ang Vitamin D, na makukuha sa itlog, gatas at sa pagbiibilad sa sinag ng araw, ay mabuti para sa pagkakaroon ng malakas na immune system, subalit hindi napupuksa ng pagsa-sunbathing ang virus na sanhi ng COVID-19.

Dahil sa ginagawang pagbibilad sa araw ng mga Indonesian ngayon ay naglabas ng babala ang national government hinggil sa posibilidad ng malubhang sakit sa balat kaya pinayuhan nila ang mga sunbathers na magpahid ng proteksyon sa balat.

Kasama na ngayon sa morning exercise routines ng mga sundalo at pulis ang pagbibilad sa araw. Sa mga malalaking siyudad, ang mga tao ay makikita sa mga open areas, kabilang ang riles ng tren, kung saan walang hadlang silang masisikatan ng araw.

Imahe mula sa Gulf Today

Loading…