Supplemental S.A.P. ng Pasig City pinuri ng isang netizen

  • May “supplemental S.A.P. o Social Amelioration Program ang lokal na pamahalaan ng Pasig City
  • Para ito sa mga pamilyang hindi kabilang sa listahan ng S.A.P. ng DSWD
  • Pinuri naman ito ng isang netizen na nagsabing napakalayo ng agwat ng performance ni Mayor Vico sa iba pang mga mayor

Pinuri ng isang netizen ang inisyatiba ng pamahalaang lokal ng Pasig City sa pagbibigay ng 8,000 piso bilang ayuda sa mga pamilyang hindi kabilang sa listahan ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD, na inihayag noong Abril 11, 2020 sa opisyal na Facebook page ni Mayor Vico Sotto.

Sa ilalim kasi ng Bayanihan to Heal as One Act, ang mga benepisyaryo ng DSWD ay makatatanggap ng 8,000 pisong cash assistance at dalawang ulit pa, subalit 93,000 mula sa 206,000 indigent families sa Pasig City ang kasama rito.

Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Vico Sotto/Public Domain Image

“Lahat po ng hindi mabibigay sa listahan ng DSWD Social Amelioration Program, sasaluhin po ng Lungsod ng Pasig. Hindi sa buong halaga na P16,000 pero kung ano yung kaya, ibibigay natin,” saad ng mayor.

Kaya naman, sa pamamagitan ng isang Facebook post ay pinuri ng isang netizen na nagngangalang “Don Kevin Hapal” ang lokal na pamahalaan ng Pasig, lalo na ang butihing mayor nito na si Mayor Vico Sotto. Naiiba raw si Mayor Vico sa iba pang mayor sa paligid.

“Oh di ba, ang galing ng Pasig? It’s because Vico Sotto was thinking ahead, starting his term with getting as much DATA as he can,” ayon sa post.

Pinag–aaralan daw mabuti ng mayor ang kaniyang mga ikinikilos at desisyon. Mahalaga raw sa kaniya ang konsultasyon at pananaliksik. “Maybe this is because he worked in the academe, but Vico’s leadership had always been anchored in data. He conducts massive consultations and invests on research – so he knows not just what his people hold in their hearts, but what the statistics say.”

Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Vico Sotto

Dagdag pa niya, “For example, when they gave away food packs last Christmas for his ‘Pamaskong Handog’, he explicitly said that one of his agenda then was to be able to get an accurate census of families in Pasig – ilang pamilya sa bawat bahay, at ilang bahay sa bawat eskinita. And now, we’re seeing THAT data in action – when the crisis hit, he was able to make an accurate risk assessment and make the necessary responses, faster than anyone else could.”

Kung nagtataka raw ang publiko o iba pang mga mamamayan na nabibilisan sa mga aksyon ng mayor, isa lamang daw ang sikreto nito: kahandaan. Iyon daw ang lamang ni Mayor Vico sa iba pang mga alkalde.

“So if you’re wondering how Vico can roll out relief programs so fast, it’s because he’s PREPARED. And that’s what sets him apart.”

Inaasahang maipamimigay na ang mga supplemental cash assistance na ito sa lalong madaling panahon.

Loading…