Taguig City government nagtayo ng dalawang drive-thru COVID-19 testing facilities

  • Dalawang drive-thru COVID-19 testing facilities ang itinayo sa Taguig City
  • Matatagpuan sa Bonifacio Global City sa Barangay Fort Bonifacio at sa Taguig Lakeshore sa Barangay Lower Bicutan ang dalawang pasilidad
  • Ang drive-thru testing facility ay para sa mga residente na may internet connection, marunong magmaneho at mayroong sasakyan

Sa darating na weekend ay sisimulan na ng Taguig City government ang operasyon ng dalawang drive-thru COVID-19 testing facilities na matatagpuan sa Bonifacio Global City sa Barangay Fort Bonifacio at sa Taguig Lakeshore sa Barangay Lower Bicutan.

Imahe mula sa Taguig City PIO

Mas palalakasin nito ang pagsisikap na ginagawa ng city government upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

Ang mga residente ng Taguig na may internet connection at may madadalang sasakyan ay hinihikayat na mag-fill out ng online assessment form sa ilulunsad  na Taguig COVID-19 website. Kung sa tingin ng health professionals ay kailangan silang ma-test, bibigyan sila ng number at schedule ng pagpunta nila sa drive-thru testing facility.

“Importante ho hindi lang isang grupo o isang sektor ang may access sa testing. So, nakita namin… solusyon namin, para doon sa may kakayahan na mag-fill up ng form online at may kakayahan magmaneho o magdala ng sasakyan,” Taguig City Mayor Lino Cayetano.

Kailangan umanong dumating sa takdang oras ang magpapa-test sa drive-thru testing sites dahil hanggang dalawang oras lang ito mag-o-operate. Ito ay upang maiwasang sobrang mapagod ang mga frontliners na magsasagawa ng testing na nakasuot ng complete personal protective gear sa gitna ng matinding init ng panahon.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Aabot sa hanggang 10 minuto ang bawat test at ang resulta ay lalabas makalipas ang tatlong araw.

Bukod sa drive-thru testing facilities, sasanayin ng city government ang mga kawani ng 31 health centers nito at tatlong “super health centers” na magsagawa ng barangay-based testing.

Sa ilalim ng Systematic Mass Approach to Responsible Testing ng Taguig, kasama sa isasailalim sa testing ang mga COVID-19 patients sa nagsisimula nang makarekober, mga indibidwal na may flu-like symptoms, mga taong nakahalubilo ng COVID-19 patients, frontliners at ang mga taong mataas ang tsansang kapitan ng sakit kabilang ang mga buntis, matatanda at mga taong may co-morbidities.

Imahe mula sa I Love Taguig Facebook page
Source :

Inquirer, ABS-CBN

Loading…