Tatlong 4Ps beneficiaries naaktuhang nagsusugal sa gitna ng COVID-19 crisis

  • Tatlong babae na 4Ps beneficiaries naaktuhang nagsusugal
  • Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602
  • May mga nagmungkahi na sana ay muling pag-aralan ng DSWD kung ang lahat ng 4Ps members ay karapat-dapat sa tinatanggap nilang benepisyo

Tatlong babae na diumano ay mga beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan ang nahuli sa akto ng pagsusugal sa San Jose City sa Nueva Ecija.

Imahe mula kay P/Lt. Col. Herlyl Bruno

Sa video post ni P/Lt. Col. Herlyl “Daguit” Bruno, nagsagawa umano sila ng anti-illegal gambling operation dakong 1:30 ng hapon noong Linggo, ika-12 ng Abril, sa Barangay Sto. Niño 2nd sa San Jose City na nagresulta sa pagkakahuli sa aktong pagsusugal ng tatlong babae.

Dinala sa presinto ang mga babae, na ang isa ay nagdadalantao, at ang mga nakumpiskang ebidensya. Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602 na nagpapataw ng mahigpit na parusa sa ilegal na pagsusugal.

“OOA 1:30 PM of April 12, 2020. Elements of this station led by P/LT. COL. Herlyl L Bruno, COP, conducted Anti-Illegal Gambling Operation at Barangay Sto. Niño 2nd, San Jose City, Nueva Ecija which resulted in the arrest of the suspects. The arrested suspects and the confiscated pieces of evidence were brought to this station for documentation and proper disposition. A case of violation of PD 1602 is being prepared for filing against the suspects,” post ni P/Lt/ Col. Bruno.

Imahe mula kay P/Lt. Col. Herlyl Bruno

Matapos mag-viral ang video ni P/Lt. Col. Bruno ay muling uminit ang usapin sa social media hinggil sa mga tulong-pinansyal na ipinagkakaloob sa mga lubos na naapektuhan ng COVI-19 crisis. Kabilang ang mga 4Ps beneficiaries sa unang binigyan ng cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

May mga nagmungkahi na sana ay muling pag-aralan ng DSWD kung ang lahat ng miyembro ng 4Ps ay karapat-dapat sa tinatanggap nilang benepisyo.

May nagmungkahi rin na sa halip na pera ang ibigay sa kanila ay bigyan ng trabaho kapalit ng maayos na suweldo.

Imahe mula kay P/Lt. Col. Herlyl Bruno

Narito ang ilan sa mga komento sa 4ps members na naaktuhang nagsusugal:

“Tigas ng mga mukha nito. Lockdown na nga nagawa pang mag-sugal. Dapat piliin na lang talaga ang dapat isali sa 4Ps… ‘yong talagang walang- wala lang, ‘yong ‘di na kaya magtrabaho at walang matirhan talaga. Iyon dapat na lang ang isali nila sa 4Ps.”

“Buti nga sa inyo. Pagkakuha ng pera e isusugal, palibhasa hindi n’yo pinaghihirapan.”

“Trabaho po ang ibigay n’yo sa mga 4ps nang pahalagahan nila ang bawat perang dumadaan sa palad nila. Hindi kasi nila pinagpawisan kaya madali nila lustayin.”

 

Source :

Facebook

Loading…