Tatlong frontliners sa Cebu City, naispatang nagbibisikleta patungong ospital

  • Naispatan ng isang netizen ang tatlong frontliners na nagbibisikleta sa kahabaan ng Talamban Road sa Cebu City
  • Galing pa raw sila sa Chong Hua Hospital sa Fuente, Mandaue City
  • Ibinigay raw ng isang abogado ang kanilang mga sasakyang bisikleta

Sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine upang mapigilan ang paglaganap ng COVID–19 hindi lamang sa buong Luzon kundi maging sa iba pang lalawigan sa Visayas at Mindanao, isa sa mga ipinagbabawal ang pagkakaroon ng pampublikong transportasyon. Ito ang isa sa mga kalbaryo ng mga frontliners na sinasagupa ang panganib makapaglingkod lamang sa mga kababayan, batay sa tawag ng kanilang tungkulin.

Isa na rito ang tatlong frontliners na naispatang nagbibisikleta ng isang netizen na si Aldo Nelbert Banaynal na pare–parehong taga–Cebu City. Batay sa kaniyang Facebook post, nasilayan niya ang tatlong frontliners na nagbibisikleta sa Talamban Road. Galing pa raw sila sa isang ospital sa Mandaue na matatagpuan din sa Cebu.

Imahe mula sa Facebook account ni Aldo Nelbert Banaynal

“Spotted three frontliners (2 nurses and an olderly) braving to pedal the whole stretch of Talamban Road. When they rested, I approached and asked them from which hospital they’re from. I’m shocked to know that they came way back from Chong Hua in Fuente. They said that there are service buses for them but they chose freely to ride their bikes because the bus ride didnt match well with their duty schedule,” ayon sa post.

Ang nakatutuwa raw dito, napansin ng netizen na pare–pareho ang hitsura ng kanilang mga bisikleta. Nang tanungin niya kung nirentahan nila ito, sinabi ng mga ito na bigay raw sa kanila ng isang abogado. Pinasalamatan ng netizen ang naturang abogado na isang “Mabuting Samaritano”. Nanawagan din siya sa lokal na pamahalaan na sana ay matulungan ang mga frontliners na gaya nila, lalo na sa transportasyon.

“What’s more interesting, I noticed their bikes were kinda identical, I asked them if rented. They said the bicycles were given to them by a certain lawyer,” sa pagpapatuloy ng post.

Imahe mula sa Facebook account ni Aldo Nelbert Banaynal

Nawa nga ay magbigay–daan ang post na ito na matulungan hindi lamang ang mga frontliners sa Cebu, kundi maging sa buong bansa! Sila ang mga makabagong bayani sa kasalukuyan.

Loading…