The charming Pacquiao family habang nasa home quarantine

  • Ipinakita ni Jinkee Pacquiao sa kanyang vlog ang pinagkakabalahan ng pamilya habang naka-quarantine
  • Makikita sa vlog ang bonding ng napakasimpleng Pacquiao family
  • Sa huli ay nagluto si Manny at Jinkee ng meryendang maja blanca de mais

Ibinahagi ni Jinkee Pacquiao, ang butihing maybahay ni Senator Manny Pacquiao, sa kanyang latest video blog (vlog) ang mga bagay na pinagkakaabalahan ng buong pamilya habang nasa ilalim pa sila ng home quarantine.

Imahe mula kay Manny Pacquiao

Sa unang bahagi ng video ay makikita ang senador na naglilinis ng ilang bahagi ng malaki nilang mansion sa Dasmariñas Village sa Makati City. Gamit ang isang hose ay nilinis niya ang isang veranda. Maya-maya ay makikitang nagwawalis din ng sahig ang tinaguriang pambansang kamao.

Nagbiro pa si Jinkee na si Manny ang bago nilang tagalinis ng bahay.

“Eto na ‘yung bagong hire naming tagalinis ng bahay,” biro ni Mrs. Pacquiao sa asawa na nakatulog sa pagod pagkatapos maglinis.

Sunod niyang ipinakita ang dalawang dalagitang anak na sina Mary Divine Grace at Queen Elizabeth na nag-volleyball sa loob ng kanilang silid.

Ang ikalawang anak na lalaking si Michael na isang music lover ay abala naman sa paggawa ng sarili niyang musika sa loob ng kwarto. Makikita ang isang MIDI keyboard sa harap ng malaking computer monitor na ginagamit niya sa pag-compose ng mga musika. Nasa gilid niya ang isang organ at acoustic guitar.

Screenshot mula sa vlog ni Jinkee Pacquiao

Sa mga sumunod na eksena ay makikita ang buong pamilya na nagba-bonding sa isang bahagi ng bahay kung saan sila nagwo-workout. Si Queenie ay nasa isang motorized treadmill habang nasa tabi niya ang kuyang si Jimuel. Ang mag-asawang Pacquiao ay nag-stretching at jumping rope.

Si Israel ay nagpakitang gilas din. Suot ang malaking gloves, nagpakita ang bunso ng Pacquiao family ng kanyang boxing moves.

Sa huli ay nagluto ng masarap na meryenda – maja blanca de mais– si Jinkee katulong si Manny.

Source :

YouTube

Loading…