‘They are real heroes:’ Sen. Angara, nagpasalamat sa health workers matapos maka-recover sa COVID-19

Imahe mula sa Instagram | Sonny Angara at Senate
  • Malaki ang pasasalamat ni Sen. Sonny Angara sa mga healthcare workers na tumulong sa kaniya upang maka-recover sa COVID-19
  • Aniya, malaki ang sakrispisyo ng mga ito dahil karamihan sa kanila ay kumukuha pa ng double shift sa ibang 0spital at halos hindi na umuwi
  • Nagpasalamat din siya sa kaniyang pamilya at mga mahal sa buhay na nagpakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa gitna ng kaniyang pinagdaanan

Malaki ang pasasalamat ni Sen. Sonny Angara sa mga healthcare workers at mga mahal sa buhay matapos maka-recover mula sa COVID-19.

Imahe mula sa Instagram | Sonny Angara

“After several days in the ER and the COVID wing, my doctors finally sent me home today — negative for the virus and pneum0nia free,” aniya sa kaniyang Instagram post. “Big big thanks to my doctors and nurses for taking care of me, and to my family, loved ones, and friends for all the prayers, letters and food that you sent.”

Matapos ang pakikipaglaban sa COVID-19 ay mas pinahahalagahan na raw ng senador ang buhay at maging ang mg frontliners dahil nakita niya ang sakripisyo ng mga ito sa ngalan ng kanilang tungkulin.

“I met nurses and doctors who do not go home anymore, some even doing double duty in other hospitals. They, truly, are REAL HEROES,” sabi pa ni Sen. Angara.

“I will be at home with my son when he celebrates his birthday this weekend but many of our health workers will not make it home as a measure of protection for their families.”

Imahe mula sa Instagram | Tootsy Angara

Matatandaang naging emosyonal ang asawa niyang si Tootsy Angara nang malamang positibo sa virus ang asawa dahil hindi niya ito maalalagaang katulad ng pag-aalaga nito sa kaniya kapag siya ang may sakit.

“It was sad I couldn’t give him a big tight hug to say it was going to be okay when he got his results,” aniya.

Bukod pa rito ay nakaranas din ng diskriminasyon ang kanilang pamilya ngunit nanatiling matatag ang pananampalataya ni Tootsy.

“I have faith God will help him get through this. When I feel sad or scared, I pray the rosary by myself or with other ladies on Zoom or listen to the online masses.”

Loading…