Throwback photo ni Pokwang, kinagiliwan

  • Ibinida ng komedyanteng si Pokwang ang kaniyang throwback photo noong siya ay bata pa
  • Ito ay ginawa niya bilang pagkasa sa isang challenge
  • Marami sa mga netizens ang natuwa sa kaniyang larawan

Isa sa mga artistang aktibo sa pamamahagi ng tulong sa mga frontliners na nakikipagbuno sa COVID–19, at iba pang mga kapus–palad na pamilyang nangangailangan, ang Kapamilya comedian na si “Pokwang”. Ibinabahagi niya ito sa kaniyang mga social media accounts na inuulan naman ng mga papuri, paghanga, at maging pagpula.

Subalit kahit abala para sa pagtulong, hindi pa rin nalilimutan ni Pokwang na maghatid ng good vibes. Kinagiliwan ng mga netizens ang pagtanggap niya sa isang challenge na ipakita ang isang throwback photo ng pagkabata sa kaniyang Instagram post.

Imahe mula sa Instagram account ni Pokwang

“O ayan ha challenge accepted na! Huwag na maghanap ng maganda at matinong picture noong elementary pa lang ako! Binaha kami sa Pasig, saya bagong ilog at inanod ang mga alaala hahahahaha pinaka–BONGGA na yan sa tribu namin, ‘yan na ‘yon palong–palo na ‘yan!” ayon sa kaniyang caption.

Marami naman ang natuwa sa kaniyang cute na cute na larawan. May mga nagsabing maganda si Pokwang noong bata pa siya at hanggang sa kaniyang paglaki, na lalo pang pinaganda dahil sa kaniyang husay sa pagpapatawa, at likas na kagandahan ng kalooban, lalo na sa pagtulong sa kapwa.

Sabi ng isa, “Gandang Pilipina ang datingan mo, Mamang! Maganda ka inside and out, kaya blessed na blessed ka sa pagkakaroon ng magandang pamilya. Genuine ang kagandahan ng kalooban mo. Always be an inspiration to others!”

“Hi Miss Pokwang! I’m actually a fan. Pasabog ka diyan sa throwback photo mo po,  Mamang. Ang cute mo po! Ipagpatuloy mo lamang p0 ang good deeds mo po kasi nakaka–inspire, lalo na sa aming mga fans mo,” turan naman ng isa.

Pagbabahagi naman ng isa sa mga naging kapitbahay ng komedyante noon, “Iyan na iyan po ang mukhang natatandaan ko. Kapitbahay po tayo .Ako po si Inday, kuya ko si Danilo,  ang kalaro naming madalas si Gigi.”

Imahe mula sa Instagram account ni Pokwang

Ang tunay na pangalan ni Pokwang ay Mayette Subong, na ngayon ay happily married kay American actor Lee O’ Brian. Biniyayaan sila ng isang anak na babae na pinangalanan nilang Malia.

Loading…