TikTok nag-donate ng $1 Million para sa mga health frontliners ng Pilipinas

  • TikTok nag-donate ng $1 Million para sa health frontliners ng bansa
  • Ang donasyon ay ibinigay sa PGHMFI, isang non-profit organization na major partner ng PGH
  • Nagpasalamat ang pamunuan ng TikTok na naging bahagi sila ng pang-araw-araw ng buhay ng mga Pilipino

Nakibahagi rin ang TikTok, ang napakapopular na video-sharing social networking service ngayon, sa pakikibaka ng bansa sa COVID-19 crisis sa pamamagitan ng donasyon nitong $1 Million bilang tulong sa mga health frontliners.

Imahe mula sa TikTok

Ibinigay ng TikTok ang donasyon sa Philippine General Hospital Medical Foundation, Inc. (PGHMFI), isang non-profit organization na major partner ng Philippine General Hospital (PGH).

Umaasa ang TikTok na ang donasyon nito ay lubos na mapakinabangan ng mga doktor at iba pang medical workers sa bansa na walang kapagurang sumasagip ng buhay ng mga pasyente gaano man kapeligroso ang kanilang trabaho.

“TikTok joins the health care community in the fight against COVID-19 by donating USD1M to PGH Medical Foundation, Inc. TikTok hopes that the donation will benefit doctors and medical workers in the Philippines who are working around the clock and under incredibly challenging circumstances to save lives,” post nito sa Facebook.

Ang halaga ay makatutulong upang mabigyan ng mga personal protective equipment at iba pang mahahalagang supplies ang mga frontliners ng PGH.

Imahe mula sa PGHMFI

“Nothing’s as priceless as a community that comes together in times of crisis and does their part to battle against it. PGHMFI greatly appreciates the enormous support from TikTok, which will help us secure PPEs and essential supplies to the front line health care professionals of PGH,” sabi ni PGHMFI president Dr. Telesforo Gana.

Pinuri naman ni Helena Lersch, ang global public policy director ng TikTok, ang pagiging matatag ng mga Pilipino sa harap ng health crisis.

“TikTok could attest to the Filipino resilience. We have witnessed how the Filipino community managed to look out for each other and bring a smile or deliver a message of hope despite the gravity of the situation,” wika ni Lersch.

Aniya, nagpapasalamat siya na naging bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino ang Tiktok.

“From the bottom of our hearts, maraming salamat Pinoy community, and salamat, frontliners!” sabi pa ni Lersch.

Screenshot ng TikTok video

 

Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…