“TikTok” ng dalawang lalaking “lumilipad” habang nakasakay sa salbabida, kinatuwaan

  • Nagdulot ng good vibes ang TikTok video ng dalawang magtropa
  • Makikita sa video na sila ay nakalutang at tila lumilipad–lipad
  • Ang TikTok ay isang Chinese video-sharing social networking service

Isa sa mga kinaaaliwan at kinahihiligang app ngayon ng mga Pilipino ang “TikTok”. Nagiging daan kasi ito upang maibsan ang pagkainip ng mga mamamayang nasa kani–kanilang mga tahanan bilang pagsunod sa enhanced community quarantine. Para naman sa mga frontliners, ginagamit nila ito upang aliwin ang kanilang mga sarili upang mawala ang lungkot at pangamba na kanilang mga nararamdaman.

Kaya naman, kinatuwaan ng mga netizens ang TikTok video ng dalawang magtropang lalaki na nakasakay sa isang plastik na salbabida habang nakalutang na tila mga ibong lumilipad, batay sa Facebook post ni “Abbey Parreño”. Nakabibilib kasi ang pagkakaedit ng kaniyang video at kung saan–saan na sila nakarating.

Imahe mula sa Facebook account ni Abbey Parreño

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Wow nakaka–amaze naman sila Kuya. Dahil wala nang transportation, lipad na lang tayo!”

“Wait mga kuya, dapat i–observe ninyo rin ang social distancing hahaha, pero ang cute po ng TikTok video ninyo. Paano kaya iyan nagawa?” tanong naman ng isa.

Saan nga ba galing ang TikTok (Douyin sa China)? Ito ay isang Chinese video-sharing social networking service na pagmamay–ari ng kompanyang ByteDance, sang Beijing-based company na itinatag noong 2012 ni Zhang Yiming. Ginagamit ang app na ito upang makalikha ng short dance, lip-sync, comedy, and talent videos. Nailunsad ang app na ito noong 2017 sa iOS at Android sa labas ng China.

Imahe mula sa Facebook account ni Abbey Parreño

Sumikat naman ang app sa United States of America  noong  Agosto 2, 2018. Sumikat din ito sa mga bansa sa Asya, Europa, at iba pang kontinente. Itinuring itong “most downloaded app in the USA” noong Oktubre 2018, kauna–unahang Chinese app na tinangkilik nang ganito ng mga Amerikano.

Sa Pilipinas naman, lalo itong sumikat hanggang sa kasalukuyan. Hindi lamang mga karaniwang mamamayan ang gumagamit nito kundi maging ang mga sikat na celebrities.

Loading…