Tindera ng gulay tinanggihan ang SAP para maibigay sa higit na nangangailangan

  • Tindera ng gulay sa palengke, tinanggihan ang ayuda mula sa DWSD
  • Sabi ni Elizabeth Buguina, ibigay na lamang ito sa higit na nangangailangan
  • Ito ay kahit kwalipikado siya at maliit ang kanilang tahanan

Kapag nailagay ba sa listahan ng mga makatatanggap ng ayuda mula pamahalaan ang iyong pangalan ay tatanggapin mo ito kahit na alam mong mayroon pang higit na nangangailangan?

Image by Dassun Solana Cagayan via Facebook

Kuwalipikado si Elizabeth Buguina ng Brgy. Dassun, Solana, Cagayan para makatanggap ng benepisyo mula Social Amelioration Program (SAP) ng DSWD dahil sa isa siyang tindera ng gulay at maliit lamang ang kanilang tahanan.

Ayon sa social media account ng Dassun, paglalako ang tanging pinagkukunan ni Elizabeth ng panustos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan kaya naman inilista siya sa mga kwalipikado.

Subalit nang mabalitaan ito, nagpunta siya sa tanggapan ng kanilang Kapitana Conchita Mabborang na kung saan naroon din si Kagawad Dominador Cagurungan at ipinagbigay-alam na nais niyang itulong na lamang ang sana’y matatanggap.

Pinilit pa siya ng mga opisyales na tanggapin ang ayuda at sinabihang biyaya ito sa Maykapal pero ipinagpilitan nito ang kagustuhang maibigay ang ayuda sa mas nangangailangan.

Para maganap ito, pumirma siya ng kasulatan na pinirmahan din ni Cagurungan bilang saksi.

Bahagi ng sulat, “Isa po ako sa makakatanggap ng tulong ng gobyerno. Ang aking decision ay ibigay niyo po sa MAS HIGIT NA NAGANGAILANGANG MAMAMAYAN. Maraming salamat na lang po sa inyong lahat.”

Pinuri naman ng mga opisyales ang kanyang magandaang kalooban.

Humakot ng higit 1,500 reaksyon at nasa 634 shares ang kuwento ng mabait na ginang habang ipino-post ito.

Sabi ng isang netizen, “Sa dinami-rami ng nagrereklamo na hindi sila nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno, bakit katulad pa niya na naghihirap sa buhay ang malawak ang pang-unawa?”

Image by Dassun Solana Cagayan via Facebook

Komento ng iba, “Maganda sana kung ganyan ang pag-iisip dahil ang iba ay nagiging sakim. Kahit na hindi kwalipikado, basta kamag-anak ay bibigyan ng DSWD form. Pagpalain ka ng Diyos.”

Tunay ngang nakamamangha ang patuloy na pagpapakita ng kabutihan ng marami nating kababayan sa gitna ng kinakaharap nating krisis.

Image by Dassun Solana Cagayan via Facebook
Source :

Facebook

Loading…