“Transparency sa QC”: Quezon City, ipinakita ang laman ng ipinamamahaging food packs

  • Ipinakita ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang laman ng kanilang food packs
  • Naglalaman ito ng bigas, mga de–lata, instant noodles, mga sachet ng instant 3–in–1 coffee, at pack ng cup cake
  • Nagpasalamat naman ang mga residente na nakatanggap ng ayuda

Sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon, marami sa mga residente ang naghanap ng ayuda o tulong mula sa kanilang mga lokal na pamahalaan. Bawat lokal na pamahalaan ay nagbibigay ng relief packs sa kanilang mga nasasakupan upang hindi magutom sa panahong ng “stay at home”.

May ilang mga isyu rin na naglalabasan na ang mga relief o food packs na inihanda ng mga lokal na pamahalaan ay nirerepack ulit kapag inendorso na sa mga barangay. Kaya naman, ipinaliwanag ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa kanilang Facebook page ang nilalaman ng kanilang food packs na matatanggap ng mga residente.

Imahe mula sa Facebook page ng Quezon City Local Government

“Ito po ang halimbawa ng nilalaman ng food packs mula sa ating lokal na pamahalaan. Pagdating naman sa food packs na galing sa mga barangay, maaaring iba-iba ang nilalaman ng mga ito,” ayon sa kanilang post.

Ang nilalaman umano ng food packs ay apat na kilo ng bigas, pitong uri ng mga de–lata, limang instant noodles (o  isang pack ng macaroni o bihon), sampung sachet ng instant 3–in–1 coffee, at isang pack ng cup cake.

Nagpasalamat naman ang netizens na nakatanggap ng ayuda, at umaasam na makatanggap din ang iba pa.

“Thank you po Mayor Joy, kompleto po ang natanggap naming food packs… ituloy ninyo lang po ang pamimigay at ipaliwanag sana ninyo na iba ang binibigay ng barangay captain at iba rin ang binibigay ninyo, marami po kasing nagkakamali eh… Ingat po kayong lahat at God bless…,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Thank you po sa QC government, na–receive po ito ng family namin. God bless you all. From the team who packed the goods up to the planning and distribution. Salamat po.”

“I am waiving off my relief goods so it can be given to those who really needs it. I am a taxpayer myself and a resident of QC. But since I live in an area which relief goods were not to be expected to arrive. Please for us who won’t be having it, give our supposed to be relief goods to families who are in dire need of help,” pasasalamat naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page ng Quezon City Local Government

Kudos sa lokal na pamahalaan ng Quezon City!

Loading…