Trending na gupit: Haircut ng isang bata, hango sa sikat na mobile application filter ngayon na ‘Picsart’

  • Trending ngayon ang larawan ng isang batang lalaki na hango sa isang mobile application para sa photo editing
  • Ginaya ng barbero ang ‘ink drop’ filter mula sa sikat na Picsart app at ginawang ganito ang gupit ng bata
  • Maraming netizens naman ang na-good vibes sa kakaiba pero sikat na hairstyle ng bata

Ngayong mas maraming oras ang mga Pilipino dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ), iba’t ibang libangan ang ginagawa ngayon ng mga nasa bahay lang. Isa sa mga nag-trending ay kakaibang photo editing filter ng mobile application na ‘Picsart.’

Sa pamamagitan ng application, maaaring magkaroon ng effect ang mga larawan na tila natutunaw ito sa bandang ibaba. Maaring iba’t ibang kulay at patungan din ng iba pang effects at filter na magandang ibahagi sa social media at gawing profile picture.

Larawan mula sa Facebook post ni John Christoper Concon

Pero kung para sa marami, ang ‘ink drop’ filter ay para lamang sa mga larawan, ni-level up pa ng isang lalaki ang gupit ng isang batang lalaki. Hindi na niya kasi kinakailangang i-edit ang larawan nito dahil inilagay na niya sa mismong ulo nito ang filter sa pamamagitan ng isang haircut.

Trending ngayon ang larawang in-upload ni John Christoper Concon sa kanyang Facebook account kung saan makikita ang ‘ink drop’ hairstyle ng isang bata. Sa likurang bahagi ng ulo ng bata makikita ang ‘filter’ na patok naman ngayon sa mga netizens.

Agad na nag-viral ang larawan at habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang 8,700 reactions, 1,700 comments, at 40,000 shares ang nasabing kakaibang gupit. Para sa maraming netizens, gusto nilang magkaroon ng katulad na hairstyle.

Ayon sa ilang nagkokomento, mukhang ito na raw ang magiging fashion trend ngayong 2020 dahil nauso nga rin ang application sa Picsart. Hinahamon pa nga ng ibang social media users ang kanilang kakilala na kumasa sa ‘ink drop haircut challenge’ at magpagupit din nang katulad ng sa bata sa larawan.

Larawan mula sa Facebook post ni John Christoper Concon

“Hinahamon kita. Pagupit ka rin ng ganito. Huwag puro filter sa cellphone. Mas okay kapag totoo, hahaha,” komento ng isang netizen sabay  tag sa kanyang kakilala.

Sabi naman ng ilan, ito raw ang nagagawa ng pagkaburyo ng marami ngayong ECQ. Pati raw buhok ay napag-iisipan nang i-level up. Marami nga ngayong mga Pilipino ang pinapatos ang gupit mula sa kanilang mga kaanak sa loob ng bahay, maginhawaan lang at mabawasan ang kanilang buhok dahil sarado ang mga barberya ngayon.

Loading…