Tubig at Langis memes tungkol kay “Natoy na mahal na mahal ka”, muling nag-trending

  • Nag-trending muli ang pamosong linya ng karakter na si Natoy sa palabas na Tubig at Langis
  • Muling ginawan ng netizen ng memes ang kanyang linyang: “Ako ‘to si Natoy na mahal na mahal ka”
  • Inilalahad sa Tubig at Langis ang pag-iibigan nina Natoy at Irene

Naaalala mo ba si Natoy? Si Natoy na mahal na mahal ka?

Image by @anonymousssshsh via Twitter

Dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine, natigil ang taping ng maraming palabas sa telebisyon lalo na ang mga drama. Kaya naman nagdesisyon ang ABS-CBN na muling ipalabas ang isa sa mga pinakaminahal ng manonood noon na Tubig at Langis.

Kuwento ito nina Natoy Villadolid at Irene Magdangal na dumanas ng maramig pagsubok dahil sa pag-ibig.

Kabilang sa sumubok sa tatag ng kanilang pagmamahalan ay si Jaime na isang mayamang lalaki at kasal na sa unang asawa pero may pagtingin kay Irene.

Isa pa sa lalong nagpaganda sa serye ay ang papel na Clara na talaga namang gagawin ang lahat maagaw lamang si Natoy kay Irene.

Pero sa huli, nanaig parin ang wagas na pagmamahalan ng mga bida na ginampanan nina Zanjoe Marudo at Cristine Reyes.

Unang ipinalabas ang Tubig at Langis noong Pebrero 2016 at talaga namang tinangkilik ng masa. Kaya’t sa muli nitong pagbabalik sa telebisyon, pati ang mga nag-trending na meme mula rito ay bumabalik.

Kamakailan lamang, batay sa Push, ay muling nag-trending ang pamosong linya na binitawan ni Natoy sa isang bahagi ng serye.

Ang linya ay: “Ako ‘to si Natoy na mahal na mahal ka”.

Image by @alexa78876085 via Twitter

Nariyan ang paggawa ng K-Drama version nito, Spider Man version at pagiging Disney movie ng karakter. Mayroon din namang gumawa ng meme patungkol sa dalawang taong nag-uusap tapos bilang sasabat ang karakter ni Natoy at sasabihin ang kanyang linya.

Likas na talaga sa ating Pinoy ang gawan ng katuwaan ang maraming bagay at ang pagiging positibo sa gitna ng pagsubok.

Gaya na lamang ng mga Natoy meme na ipinapakalat sa social media para pagaanin ang ating pakiramdam habang nakikibaka sa COVID-19.

May naaalala ka ba sa linyang ito ni Natoy?

Image by @allenmondragonn via Twitter

Loading…