UP scientists gumagawa ng affordable ventilators para sa mga COVID-19 patients na nahihirapang huminga

  • UP-NIH scientists nagdidisenyo ng affordable ventilators
  • Ang mga ventilators ay mahalagang device para sa mga COVID-19 patients na nahihirapang huminga
  • Hindi sapat ang 1,263 ventilators ng bansa dahil sa patuloy na pagdami ng mga nahahawahan ng coronavirus disease

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nahahawahan ng coronavirus disease ay posibleng kapusin ang mga lokal na pagamutan sa mga ventilators na ginagamit ng mga pasyenteng nahihirapang huminga dahil sa coronavirus disease.

Imahe mula sa Punch

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroon lang 1,263 ventilators lang sa buong bansa. Ang 153 nito ay nasa Metro Manila at ang iba ay nakakalat sa ibang bahagi ng bansa.

Inamin ni Vergeire na hindi ito sapat. Handang umangkat ang pamahalaan ng 1,500 ventilators, ngunit sa ngayon ay naghahanap pa ng suppliers na may kakayahang tumanggap ng maramihang order.

“Kapag ganito po kasi, minsan iyong volume ang nagiging bottleneck natin so ‘pag ganyan tinitiingnan po natin kung may makukuha tayong supplier,” pahayag ng DOH official.

Kaugnay ng pangangailangan ng bansa sa mga ventilators, sinabi ni Usec. Vergeire na ang mga scientists sa University of the Philippines-National Institutes for Health (UP-NIH) ay nagdidisenyo ng ventilator na abot-kaya ang halaga para sa mga Pilipinong COVID-19 patients.

“Hopefully kapag lumabas po iyong kanilang pinag-aralan na ito at ginagawa, makakuha na tayo ng marami at mas mura po ito,” aniya.

Screenshot mula sa video ng Rappler

Sinabi pa ni Vergeire na wala siyang alam na local manufacturer ng ventilators.

Ang mga scientists din sa UP-NIH ang nag-develop ng COVID-19 test kits na nagbibigay ng mabilis na resulta.

Ayon sa Food and Drug Administration Philippines, dalawang oras lang ay malalaman na ang resulta ng test gamit ang locally-made test kits.

Simula sa Sabado, ika-4 ng Abril, ay available na sa publiko ang naturang test kits.

Imahe mula sa Manila HealthTek, Inc.
Source :

ABS-CBN

Loading…