Valenzuela City nagsimula na ng mass testing para sa lahat ng PUM at PUI sa COVID-19

  • Valenzuela City nagsagawa na ng mass testing para sa COVID-19
  • Target ng lungsod na ma-testing ang lahat ng PUM at PUI sa loob ng 20 days
  • Gagastos ang Valenzuela ng P5,150 kada pasyente – P2,650 sa test kit na binili  sa South Korea at P2,500 sa pagproseso ng swab samples

Sinimulan na ng Valenzuela City ang mass testing para sa COVID-19 nitong Sabado, ika-11 ng Abril.

Imahe mula sa Valenzuela City

Katuwang ng lungsod sa mass testing ang The Medical City (TMC) na pinayagan nang magsagawa ng confirmatory COVID-19 tests matapos matanggap ang Stage 5 level accreditation mula sa Department of Health.

Katulong din ng Valenzuela City ang Lung Center of the Philippines sa pagproseso ng mga swab samples mula sa mga persons under monitoring (PUM) at persons under investigation (PUI).

Sa kasalukuyan, ang Valenzuela ay may 39 confirmed COVID-19 cases, at 537 PUM at PUI.

Target ng lokal na pamahalaan na ma-testing ang lahat ng PUM at PUI sa lungsod. Bukod sa mga ito, priority rin ng lungsod na ma-testing ang mga health workers at overseas Filipino workers na babalik ng bansa.

Ayon sa City Pathologist na si Dr. Amelia Fibra, kaya ng TMC na magproseso ng hanggang 25 swab samples at magbigay ng resulta sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw, habang ang Lung Center of the Philippines ay kayang magsagawa ng hanggang 20 samples per day na may resulta sa loob ng tatlo hanggang limang araw.

Imahe mula sa Valenzuela City

“It will take us 20 days to finish the entire database with a minimum of 25. So if we can ask them to expand them to 50, even faster, so by the end of 20 days we should have a clearer idea as to how many positives there are in the city. And then ‘yung number namin ng PUI and PUM will drastically go very very low as in baka zero na kasi theoretically na-test na sila lahat,” sabi naman ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

Imahe mula sa Valenzuela City

Kapag natapos na ang testing at mayroon nang resulta ay malalaman na umano ng lungsod kung kailangan nang alisin ang lockdown na ipinatutupad sa ilang barangay.

Ang lokal na pamahalaan ay gagastos ng P5,150 kada pasyente – P2,650 sa test kit na binili  sa South Korea at P2,500 sa pagproseso ng swab samples.

Imahe mula sa Valenzuela City

Loading…