“Vitamin-enhanced ECQ:” Mga kasundaluhan at kapulisan kasamang magpapatupad ng ECQ sa Cavite

  • Mas istriktong pagpapatupad ng quarantine guidelines sa Cavite tinawag na “Vitamin-enhanced ECQ”
  • Sabi ni Gov. Jonvic Remulla, sa vitamin-enriched ECQ ay kasama ang ilang kawani ng AFP sa pagpapatupad nito
  • Ginawa ito ng gobernador dahil matitigas ang ulo ng 10% ng mga Caviteño

Tinawag ni Cavite Governor Jovic Remulla na “vitamin-enhanced ECQ” ang mas istriktong implementasyon ng enhanced community quarantine sa Cavite kung saan kasama na ang ilang kawani ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa pagpapatupad nito.

Imahe mula sa Instagram account ni Gov. Jonvic Remulla

Ang desisyon ng gobernador ay kasunod ng nauna niyang pahayag na diumano ay nakakakulo na ng dug0 ang katigasan ng 10% ng mga Caviteño na patuloy sa paglabag sa mga alituntunin ng ECQ. Nais umano niyang mailigtas ang 90% ng mga residente ng probinsya kaya magpapatupad ng mas mahigpit na quarantine.

“Ang vitamin-enriched ECQ ay kasama na ang ilang kawani ng AFP sa pagpapatupad nito,” anang gobernador sa isang post sa social media.

Magiging mahigpit daw ang mga security forces sa pag-inspeksyon ng mga quarantine pass ng mga residente at ang pagpapatupad ng social distancing sa mga pampublikong lugar tulad ng mga palengke.

Ang kapulisan naman ay aatasang pumasok sa mga subdivisions upang tiyakin na ang mga residente niyon ay nasa loob ng kanilang mga tahanan at sumusunod sa guidelines ng mandatory quarantine.

“Warning po sa mga miron, chismosa/chismoso, mga naglalaro ng basketball, wala po na-issue na chismis pass ang barangay,” may himig pagbibirong babala ng gobernador.

Screenshot ng Facebook post ni Gov. Jonvic Remulla

Nakiusap siya sa mga mamamayan ng Cavite na magtiis pa ng kaunti dahil matatapos din naman ang lahat ng paghihirap na dala ng COVID-19 crisis.

“Konting tiis na lang po ay matatapos din ito. Now is the time to show that we are together in fighting Covid-19. When the economy opens, tayo po ay naghahanda na sa sunod na hakbang para hindi lumaganap ang sakuna na ito,” ani Gov. Remulla.

Sabi pa niya, kailangan ang mahigpit na pagpapatupad ng mabigat na paraan ng batas para sa kabutihan ng lahat.

Loading…