Vlogger with a cause: Lloyd Cadena namigay ng napakaraming relief goods sa kanilang komunidad

  • Ibinahagi ng vlogger na si Lloyd Cadena ang kanyang biyaya sa mga kalugar ngayong may lockdown
  • Namigay siya ng napakaraming relief goods sa kanilang komunidad na ikinatuwa naman ng mga ito
  • Nagpasalamat din si Lloyd sa kanyang mga followers at subscribers dahil sa patuloy na pagsuporta

Karaniwang kinagigiliwan ang mga Filipino YouTube content creators o mga vloggers dahil sa kwela nilang gawain. Marami sa kanila ay pinipiling magbigay ng good vibes at ngiti sa kanilang mga manonood na nagbubunga naman ng maraming views at nagkakaroon din ng kapalit sa kanilang YouTube sweldo.

Isa sa mga masasabing institusyon na sa pagba-vlog ay ang host, DJ, at awtor din na si Lloyd Cadena. Ngayong taon ay nasa ikasampung taon na siya ng paggawa ng videos sa YouTube at patuloy na pinapahanga ang mga manonood, hindi lang sa kanyang pagpapatawa ngunit maging sa pagtulong niya sa mga nangangailangan.

Larawan mula sa YouTube video ni Lloyd Cadena

Sa latest video ni Lloyd, minarapat niyang ibahagi ang kanyang blessings sa kanilang komunidad. Hindi naman itinatago ni Lloyd na sila ay mula sa isang iskwaters area sa Parañaque City at ngayong taon nga sana ay nakatakda raw silang i-demolish. Hindi rin lahat sa lugar nila ay may maayos na trabaho sa ngayon kaya naman hindi na nag-atubili si Lloyd na magbigay ng tulong sa mga ito.

Pahayag ni Lloyd, medyo natagalan ang kanilang ayuda dahil kinailangan nilang hintayin ang supplies. Nagkakaubusan na raw kasi at kailangang i-order ang mga ito sa mga kilalang pamilihan. Lagi naman daw silang nakatatanggap ng ayuda sa LGU nila ngunit pandagdag rin ang mga ipamimigay nila sa araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga kalugar.

Dalawang eco bag ang ipinamigay ni Lloyd sa kanilang lugar. Laman nito ang apat na kilong bigas, isang dosenang chocolate drink, limang lata ng corned beef, limang lata ng meat loaf, isang pekete ng biskwit, 14 na piraso ng instant noodles, limang pack ng kape, limang pakete ng gatas, doseng lata ng sardinas, at kalahating kilo ng asukal.

Pakiusap lamang ni Lloyd sa kanilang lugar bago siya mamigay na sana ay nasa loob ng bahay ang mga ito upang mabigyan. Para na rin daw sa kanilang kaligtasan ang pakiusap na ito na agad namang sinunod ng kanyang mga kapitbahay.

Larawan mula sa YouTube video ni Lloyd Cadena

Hindi rin nakalimutan ni Lloyd na pasalamatan ang kanyang subscribers dahil kung hindi raw sa kanilang suporta ay hindi magagawa ng vlogger ang mga charity event na tulad nito. Maliban kasi sa pamimigay ng relief goods, tumutulong din si Lloyd kapag pasukan at panahon ng Kapaskuhan.

“I just wanna thank all my fans because hindi naman natin ito magagawa at hindi rin naman tayo makakatulong sa iba kung hindi tayo sinusuportahan ng mga taong tumutulong sa atin. Maraming salamat sa lahat ng nanonood ng videos ko,” saad ni Lloyd.

Panoorin ang bonggang handog ni Lloyd sa kanilang komunidad ngayong quarantine:

Loading…